May mga alaala tayong pilit na kinakalimutan, at mayroon namang kusa nating binabalikan—mga sandaling tila kahapon lamang, ngunit ngayo'y mistulang panaginip sa likod ng mahabang panahon.
Ang nobelang ito ay paglalakbay pabalik sa panahon ng high school, kung saan nagsimula ang mga unang tawa, unang luha, at unang tanong tungkol sa kung sino tayo at sino ang nais nating maging. Bilang manunulat, isinulat ko ito upang damhin muli ang saya ng grupo, ang ingay sa silid-aralan, at ang mga sikretong halakhakan sa likod ng makakapal na notebooks.
Dito, isasalaysay ang mga kwento ng magkakaibigan—mga dating estudyanteng ngayo’y hinog na sa karanasan, ngunit dala pa rin ang hiwaga ng kanilang kabataan. Sa pagbabalik-tanaw, natutuklasan nila na ang totoong pagsubok ng high school ay hindi lamang ang exams, kundi ang pagtuklas sa sarili at sa kahulugan ng tunay na koneksyon.
Inaanyayahan ko kayong sumabay sa pag-alaala, muling maramdaman ang kabog ng dibdib, at sariwain ang mga araw na humulma sa kung sino tayo ngayon.
Ating Samahan sila Lucio, Abigail, Coraline, at Samuel sa Our Youth
https://www.wattpad.com/story/394881014?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_writing&wp_page=create&wp_uname=unfgettwble_ecliwzee