Frustrated writer ako. Bakit? Kasi instead Journalism o Communication Arts ang kunin kong course sa college, Accountancy ang kinuha ko. Accountancy??!! Pano nangyari yun?

Passion ko talaga ang pagsusulat. Nagsimula yun ng matuto akong magbasa, eventually, natuto na din akong sumulat. I am a very passionate reader. I read every books na makita ko. Basta, kahit ano binabasa ko. Haha. Bookworm lang masyado. :D :D Ako yung tipo ng tao na hindi nakakatagal sa isang lugar ng walang binabasa. Dapat lagi akong may dalang libro at notebook. Madali kasi akong ma-bore pag nakatunganga lang ako. hehehe

Yun nga. Bakit ako nag-Accountancy? Hindi kasi ako nakakuha ng entrance exam dun sa isang university sa amin. Tamad ko kasi. hahaha!! Hanggang sa dumating na pasukan. No choice, Business Administration ang kinuha ko. Pagdating ng second sem, kinumbinse ako ng dean namin na Accountancy na lang daw kunin ko. At dahil ang-enjoy ako sa Accounting subjects, hayun, um-oo naman ako. Takte!ang hirap pala!! Lalo na nung umabot na ako sa higher level. Grabe. Nosebleed ng bongga!! hahaha. Pero, hindi naman naging hadlang yun para hindi ako makapagsulat. If you are to look at my books nung college, lagi kang may makikitang tula sa gilid ng libro. hahaha. at may notebook pa ako nun na puro tula. :D :D (Asan na kaya un??)

Hanggang ngayon kahit nagtatrabaho na ako, hindi ko pa rin gini-give up ang pangarap kong makapagsulat ng isang buong nobela :D

yan na muna sa ngaun..hehehe

:D :D
  • Makati
  • JoinedJuly 23, 2012



Last Message
unromanticgirl unromanticgirl Jan 03, 2013 09:42AM
hahaha!gagawa ako pag hindi na busy :)) saka pag may lovelife na uli ako :P hahaha
View all Conversations

3 Reading Lists