Congratulations, Pusaaaaa! Grabe, Love and Valentine's story is honestly one of the best stories I’ve ever read sa Wattpad! As in, hindi lang siya basta basta na story, may mga scenes na mapapaisip ka talaga sa kung ano yung mangyayari next sa mga characters. Lalo na noong nag book 2, jusko po.
Ang ganda ng pacing, hindi bitin bawat chapter, saktong busog lang (worth it yung paghulat ba hahaha) Tapos yung bawat character may mga sariling pagkatao, very consistent. Halatang kilalang kilala mo yung bawat character ng kwento.
Grabe yung effort ng pusa. Every line, every scene, every twist na tinwist pinag-isipan talaga. Sa Book 1, maayos yung pagkalatag ng foundation ng love story nila tas biglang may bomba sa dulo. HAHAHAHAHA nakukuha mo talaga yung curiosity ng mga readers. Sobrang galing!
Sa Book 2 naman, lumalim yung story. nakakainis lang konti si Love dito, pero understandable naman kasi sobrang sakit naman talaga ng nangyare sa kanya. Pero I like it nung time na parang handa na siyang patawarin si Valentine nung early part pa. Ginalit niyo lang siya ulit eh hahahaha. Pero grabe yung plot progession ng story, sobrang galing ng pagkasulat. Yung ending hindi siya impossible na mangyare in real life. Hindi bitin at walang malaking question na iniwan. Sobrang cute din nung special chapter, I love Brix sa part na yun. Hahhaha
Itong story ni Love at Valentine deserve ng recognition at billion reads. Sobrang saya na nadiscover ko ‘to, nagkaroon pa ako ng long distance bestie HAHAHA. (thank you sa ex ko na nagrecommend, hahahaha)
Dear Love Dear Valentine/Love & Valentine: solid infinity/10. Thank you Pusa for writing this masterpiece!