Kung hindi ka pa galit, bakit?
Anumang kulay ang tinindig ninyo, parte na sinalihan niyo, ang may sala ay dapat managot. Ito ay gulo na hindi dapat isinasantabi, ipagbubulag-bulagan, o ikatahimik—makialam, makisigaw, magalit ka dahil kalayaan at kinabukasan mo ang nakasalalay.
Walang puwang dapat ang mga maharas, walang alam, at kurap sa pamahalaang ito. Hindi ka rin dapat umiidolo at sumasamba ng politikong kayang paikutin ang ulo mo. Hindi dapat ito tungkol sa kanila—tungkol ito sa bansa.
Wakasan natin ang paghahari-harian nila. Ikaw, ako, tayo ang may kapangyarihan. Magluklok ng nararapat at maglilingkod sa bayan at bansa.
Huwag kang pipikit. Tignan mo ang katotohanan.
— Vincenzo.