(Ang aking sariling pananaw sa palabas na Heneral Luna) Agosto 09, 2021

Isa-isang namatay ang mga TUNAY na mga sundalo. Nakakalungkot isiping, wala silang hinangad kundi ang kalayaan ngunit kamatayan ang kanilang natamo. Nakakalungkot isiping kung sino pa ang mga taong siyang tunay na nagmahal sa bayan ay siyang napaslang sa paraang hindi inaasahan, hindi lamang inaasahan kundi sa napakasakit na paraan, sarili'ng namumuno ang pumaslang sa kaniyang pinamumunuan.

Isama mo na ang mga hindi kilalang Pilipino na buong pusong lumaban sa mga Amerikano. Sila ay lumaban nang puno ng pag-ibig sa bayan. Hindi man sila kilala ngunit hindi malilimutan ang kanilang nagawang katapangan at pagmamahal sa bayan. Naging isa sila sa mga dahilan ng ibang mga Pilipino upang magpatuloy sa pag-laban, pag-laban ng ating karapatan, karapatan sa sarili nating bayan.

Sana ay patuloy nating alalahanin ang sakripisyo ng mga Bayani natin. Buhay nila ang kanilang inialay makamtan lang ng mga Pilipino ang kasarinlan.

I hope we will love, appreciate and treasure our history and our heroes as we should kasi bilang Pilipino, bahagi ng ating pagkatao ang ating sariling kasaysayan. We're not living like this without them. They give their life for our mother land. Mas pinili nila ang mamatay habang lumalaban sa halip na sumuko sa mga dayuhan. Naiiba sila sa ibang mga Pilipino noon na nauunahan ng takot at tumatakbo papalayo sa laban, laban para sa ating inang bayan, nasabi na rin iyan ng Bayaning si Apolinario Mabini.

Katulad na lamang ng nasabi ni Heneral Luna sa palabas na Heneral Luna na "Kayang-kaya nilang mamatay para sa kanilang pamilya, eh sa prinsipyong makabayan?" Their bravery are out of this world. Inialay nila ang buhay nila sa labanang walang kasiguraduhan kung mananalo ba sila ngunit kahit na ganoon ay pinipilit nilang iwagayway ang ating bandila sa kabila ng kamatayang maaaring kahantungan nila sa pakikipaglaban.

🇵🇭 🖋️
  • JoinedOctober 29, 2020


Last Message
waaaaalllaaaa waaaaalllaaaa Apr 26, 2021 01:08AM
Hello po
View all Conversations

Story by waaaaalllaaaa
One Shot Stories by waaaaalllaaaa
One Shot Stories
This stories are random. I'm planning to give them a shot, I may give them their own story, chapter by chapte...
ranking #47 in tragicending See all rankings
1 Reading List