pa-rant haha kapagod maging tao taena ang toxic ng june ko ha talagang panay ang iyak ng tao na to. pagod na pagod na ako, Lord. ang dami na pong challenges pero gets po kita eh. alam ko naman na answered prayer ko ito pero Lord masama bang mapagod? pwede ano pahinga naman ako ganon. Lord, kasi nakakapagod na ako na lang siguro nakakaintindi sa sarili ko. Lord, masama ba yon? Inconsiderate na ba ako non? Pero kasi Lord, commitment po ito e. Hindi lang din naman sila yung maraming pendings, ako rin naman. Hindi lang ako ang nag-commit, sila rin naman. Lord ang hirap na parang kakampi ko lang ay sarili ko. Ang hirap na ako na lang nakakaintindi sa sarili at mas lalong mahirap na kailangan ko silang intindihin kahit na hindi ko na maintindihan lahat at kahit na walang sumusubok na umintindi sa akin.
Lord, mahirap talaga saka masakit na po. Lord, awat na. Pahinga naman please. Lord, masakit kaya makita na ganon score ko sa exam. Mahirap kaya mag-sacrifice. Lord, mahirap lahat.
Lord, minsan di ko na kaya rin. Gusto ko na tumigil din. Saka Lord iba po epekto sa akin ngayon e. Mas lalo ko lang po dinodown sarili ko. Mas lalo ko lang po tinitignan sarili ko na walang comprehension, na panget ideas, na laging naiiba. Feel ko Lord wala na nga akong kwenta like ang bobo ko ganon.
Ewan Lord pero masakit lahat. Ano po gagawin ko?