Hi :) Ngayon ko lang nabasa yung msg mo sa MB ko. Thanks! Halos pareho pala tayo ng naisip na ideya for the last chapter. Salamat kase akala ko ako lang yung abnormal na nakaisip na pahinga muna sila. Kumbaga, hayaan muna nila maghilom lahat ng sugat at mapawi ang sakit. Hayyy.. buhay nga naman.
Salamat sa papuri. Novice writer pa lang ako. Kumbaga training ground ko ang wattpad. Nagsosolicit ako ng feedbacks dito for improvement. :)
Anyway, nabanggit mo na marami kang naiisip pero di mo masimulan. Simulan mo yan by free writing. Every chance you get or on your spare time, magsulat ka lang ng kung anong nasa isip mo. Wag mo intindihin ang grammar and rules. Basta magsulat ka lang. And then, kapag nagagawa mo na yun, dapat mag-keep ka ng isang notebook tsaka i-list down mo lahat ng naiisip mong ideas. Isulat mo muna. Then rest. Kapag okay na, balikan mo then i-try pagtahi-tahiin ang bawat idea. Basta yung coherent at cohesive ah? Dapat reasonable enough yung pagkakadugtong ng events. Kaya mo yan! Tiwala lang sa sarili. :)) God bless on your future writing endeavor.
Message me pag may nagawa ka na. I'll read it! ;)