hanapin mo ako.
sa pagitan ng mga salitang hindi mo mabigkas
sa gitna ng araw at gabi
o di kaya'y sa gitna ng tama o mali
hanapin mo ako.
sa pagitan ng mga bulong mo sa hangin
sa maliit na puwang sa pagitan ng pagsuko at paglaban
sa gitna ng tayo
sa pagitan ng ikaw at ako
hanapin mo ako—
naroon ako.
nag-aabang, naghihintay.
halika, tatakas tayo sa kanila.