After five long years, natapos ko na rin ang Wait Me in Dapitan.
Hindi naging madali — puno ng pahinto, pagbalik, rewrite, at doubt kung matatapos ko pa ba talaga. Pero heto tayo ngayon, closing another chapter in the Dapitan series.Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumubaybay mula See You in Dapitan hanggang dito. Sa mga kaibigan, co-writers, at readers na walang sawang nag-aabang, salamat sa tiwala at sa bawat comment, react, at message na nagbigay lakas ng loob para ipagpatuloy ang kwento nina Mika at Russel.
Kung si Cleo at Travis ang nagsimula ng Dapitan stories, si Mika at Russel ang nagpapatunay na minsan, ang pagmamahal ay hindi lang tungkol sa pagsasama... kundi tungkol din sa paghihintay. And sometimes, waiting is not wasted time — it's proof of love.Ngayon, dito ko na muna isasara ang librong ito. Pero hindi dito nagtatapos ang lahat. Sa susunod nating pagkikita, may bago tayong tatahakin na kwento.
From the bottom of my heart, salamat.
Until the next story.
- Windychill ✨