Bilang manunulat, si Rhai ay pihikan sa mga tema't anyo ng kanyang mga obra. Gaya ng marami, dumaan din si Rhai sa panahong siya'y "corny" pagdating sa pagsulat.

Marahil ay hindi tuluyang nawala ang pagiging "corny" nitong manunulat na ito hanggang ngayon nguni't hangga't kinakaya, sinisikap ni Rhai na lumikha ng mga akdang may lalim at hindi 'yung mema lámang; memaisulat lang, 'ika nga.

Sakaling may akda man siyang maihahanay na sa mga mema, malamáng sa hindi ay paraan niya ito upang iparamdam sa ibang mambabasáng madalîng humabi ng kwento lalò't kababawan lang o tipikal na naratibo lang ang galáwan; may mga sandaling hindi kailangan ng malalim na pagkukuwento, minsan, ang pagkukwento ay upang magbahagi lang ng ideya mo; maaaring "bagong" kaisipan o "lumang" kaisipang nasa anyong bago o halos-bago.

Ano't anoman, si Rhai ay isang manunulat na laging may kahulugan ang pinanggagalingan ng kwento.
  • Filipinas
  • BergabungFebruary 2, 2013

Mengikuti


Cerita oleh Rhai
Sugal ang Búhay oleh wiserhai
Sugal ang Búhay
Isang maikling kwento tungkol sa sugal na mukhang bahagi na talaga ng búhay o mismong búhay na mismo.
ranking #1 dalam sugal Lihat semua peringkat