Surtout , I' lélégance 🌻💯.
BTS
Agos.
Lumilipas ang oras sabay sa pag hampas ng alon sa kinakatayuan ko.
Nakaupo sa posisyong dati'y magakasama tayo.
Hangi'y tila dinadala ang mga alaala.
Ala alang dati ay pag kasaya saya.
Kahit segundong pag sasama ay inilalagay sa utak.
Sapagkat isang ngiti mo lamang sa akin ay tumatatak.
Mga salita mong para bang musika na sa aking dalawang pandinig.
Hawak mong pagkakahigpit, na nagpaparamdam sa aking hindi mo ko bibitawan kahit anong mangyari.
Pero lahat ng yan nawala at nag laho, noong isang gabing naging tahimik na ang alon at ako'y tila walang kibo sa kinakatayuan ko.
Sapagkat ang dating hampas nito ay sa ibang ibayo na nag paramdam.
At napa isip ako na Hindi na pala ako.
Nawala na ang musikang nagapapa alala saking "Ikaw lang at wala ng Iba."
Tila nalanta ang mga mabulaklak mong salita. Na kahit anong dilig ay tila di na muling bubunga sa isang pagkakamali mong nagawa.
Pagkakamali mong tila wala lang,
na ako lang ang nasasaktan at nakakaalam.
Ikaw ay sumasaya habang ako'y nagpapakalunod sa mga ala alang iniwan mo kong mag isa.
-Mhae 04-15-18💓
- JoinedDecember 25, 2015
Sign up to join the largest storytelling community
or