xxxJUZZ_MABExxx

“Ulan”
          	by: xxxJUZZ_MABExxx
          	
          	Kay lamig ng paligid kapag may ulan
          	Yakap-yakap ang kumot at unan
          	Pilit pinapainit ang sariling katawan
          	Pagka’t kalungkutan nararamdaman
          	
          	Ang daming naiisip sa gabing ito
          	Paano naging ganito kagulo ang mundo
          	Kay titigas ng ulo ng bawat tao
          	Simpleng utos ‘di na natuto
          	
          	Ang pandemyang ito ay hindi biro
          	Nakakahawa ito at buhay nakasalalay
          	Ngunit ito ay hindi sineryoso
          	Binalewala at nanatili sa labas ng bahay
          	
          	Kinabahan nang biglang inubo
          	Pero pinasawalang bahala lamang ito
          	Nagsimulang sinipon at sumakit ang ulo
          	Nag-alala at pilit ito tinatago
          	
          	Ilang araw nakahawa ito
          	Kaya marami na naman ang naging kaso
          	Mga doktor pilit nanggagamot
          	Kahit sarili ay nalilimot
          	
          	Isiping mabuti ang makakabuti
          	Para lahat ay mapabuti
          	Lahat tayo’y gustong lumabas
          	Makakalabas rin sa tamang panahon at oras
          	Isipin ang sarili at manatiling ligtas

xxxJUZZ_MABExxx

“Ulan”
          by: xxxJUZZ_MABExxx
          
          Kay lamig ng paligid kapag may ulan
          Yakap-yakap ang kumot at unan
          Pilit pinapainit ang sariling katawan
          Pagka’t kalungkutan nararamdaman
          
          Ang daming naiisip sa gabing ito
          Paano naging ganito kagulo ang mundo
          Kay titigas ng ulo ng bawat tao
          Simpleng utos ‘di na natuto
          
          Ang pandemyang ito ay hindi biro
          Nakakahawa ito at buhay nakasalalay
          Ngunit ito ay hindi sineryoso
          Binalewala at nanatili sa labas ng bahay
          
          Kinabahan nang biglang inubo
          Pero pinasawalang bahala lamang ito
          Nagsimulang sinipon at sumakit ang ulo
          Nag-alala at pilit ito tinatago
          
          Ilang araw nakahawa ito
          Kaya marami na naman ang naging kaso
          Mga doktor pilit nanggagamot
          Kahit sarili ay nalilimot
          
          Isiping mabuti ang makakabuti
          Para lahat ay mapabuti
          Lahat tayo’y gustong lumabas
          Makakalabas rin sa tamang panahon at oras
          Isipin ang sarili at manatiling ligtas