Kung matatandaan niyo po, may mga stories na din akong ginawa before Castaway, pero lahat inu-unpublish ko kasi nawawalan ako ng gana na tapusin. Tapos, ngayon nabasa ko ulit. Okay naman pala sana at may naisip na akong idagdag pero, nakakapagod na kung isusulat ko ulit eh. Kaya dito nalang ako magfo-focus. Ayoko din pagsabay-sabayin ang pagpublish ng mga drafts ko kasi, baka mas mawili ako sa pag-uupdate ng isa makalimutan ko meron pa pala akong isa pa na inu-update kaya iisa-isahin ko lang pagpu-publish. Baka din maisipan kong isulat ulit ang mga dating stories ko na inunpublish ko.