Hiiii : ) kumusta kayo? Grabe, sa sobrang busy ko ay nawalan na rin ako ng oras oras para makapag-open dito at kumustahin ang daloy ng istorya ko, kung nadaragdagan ba ng mambabasa. Hindi ko alam, 500 reads na pala. Maraming salamat sa inyo. Gusto ko lang sabihin na, isinasagawa ko ang mga susunod na chapters. Ayokong nabibitin ang iba sa pagbabasa kaya ginugusto ko munang mas pahabain pa. Iniisip ko rin na kung posible ba na matapos ko ito sa madaling panahon dahil ngayon pa lang, kumukulit na naman ang imahinasyon ko na makagawa ng panibagong istorya. Pero, hindi muna. Ayokong maging doble ang gawain kong hindi tapos kung alam ko rin na hindi ko kayang pagsabayin ang dalawang responsibilidad.
Salamat sa inyong pagsubaybay. Hinihiling ko na sana’y nasa maayos na kalagayan ang bawat isa sa inyo. ♡