yestermorrow

Nahihirapan din ako, hindi lang ikaw. Nasasaktan din ako, hindi lang ikaw. Bumabagsak din ako sa sahig, hindi lang ikaw. Kasi naging mahalaga ka sa'kin. Pero pilit ko 'tong tinatago. Bakit? Kasi ako ang kumalas. Ako ang unang bumitiw. Ginusto ko 'to, kailangan kong panindigan. Pero sana huwag ka namang magsalita na tila ba wala tayong pinagsamahan, tila ba hindi ako naging mahalaga sa buhay mo. Pasensya ka na, hindi ko mapanindigan ang mga sinabi ko. Mahina ako. Hindi ako katulad niyo. Pasensya na. Pero sabi nga sa kanta ng Silent Sanctuary, siguro nga, huli na ang lahat para sa'tin, malaya na tayo.