Nga pala, ate Yoshi, ibahagi ko lang po. May kaibigan po kasi ako na ni-recommend-an ko ng “Ghost Retriever” niyo, at nagustuhan niya naman. Matagal na rin po ito, mga 2018 pa po no'ng nagsimula siyang magbasa. No'ng grumaduate po kami sa highschool no'ng 2021, bumalik po siya sa kanyang hometown doon sa GenSan kaya hindi na talaga kami magkaka-chikahan ng personal. Nagcha-chat pa naman po kami, pero natigil din po no'ng 2022 dahil busy na ako sa face-to-face classes sa college, at siya naman ay sa pagtatrabaho. Nitong late 2023 po, ilang araw po bago ang 2024, ibinalita po sa akin ng isang friend din naming dalawa na nagpaalam na daw po ang kaibigan ko at nasa piling na ng Diyos. Hindi po namin alam ang dahilan ng kaniyang pagkam*t*y dahil ayaw ibahagi ng pamilya niya na nirerespeto din naman po namin. Nakakalungkot lang po, hindi man lang kami nagkaroon ng isa pang kuwentuhan sa Kpop and Wattpad, lalo na dito sa "Ghost Retriever", bago siya lumisan. Parehas po kami, bet na bet namin si Death! Hahaha. Ayon po, ibinahagi ko lang. May kaibigan po akong minsan kong nakasabay magbasa ng kwento niyo.