Sa mga nagsunod sunod na lindol lagi po tayo maging handa at sana nasa maayos kayong kalagayan readers
If my problema kayo, na stranded man, kailangan ng tulong call neo po Ang 911.
At higit sa lahat po ay mas magpray po tayo kay diyos na huwag po tayong papabayaan sa mga kung ano pa man ang mangyayari. Manalig lamang tayo at huwag mawalan ng pagasa at lahat nang ito rin ay matatapos at sa huli ay magkakasama parin tayo kasama ng mga mahal nten sa buhay. Buhay at Ligtas!
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Jesus Kristo, AMEN
Panginoon, Ikaw na po ang bahala sa amin at sa aming mga pamilya. Iniaalay po namin sa Iyo ang aming mga buhay—Ikaw po ang aming sandigan at gabay sa lahat ng oras. Nawa’y ang Iyong kalooban ang siyang mangyari sa amin, lalo na sa gitna ng mga dumarating na pagsubok at sakuna.
Ilayo Mo po kami at ang aming mga mahal sa buhay sa anumang kapahamakan, karamdaman, at panganib. Bigyan Mo po kami ng kalakasan, karunungan, at matatag na pananampalataya upang patuloy naming maramdaman ang Iyong presensya at kabutihan.
Maraming salamat po, Panginoon, sa Iyong walang hanggang pagmamahal, awa, at proteksyon. Sa Iyo po namin ipinagkakatiwala ang lahat.
Amen.