Nang makarating kami sa Airport, agad na nag-parada si Raquel at lumabas kami. Pagkapasok namin sa loob, napakunot ang noo ko nang makita ko ang mga taong nakapulang T-shirt na nakapalibot sa amin.
"Anong meron?" Tanong ko kay Raquel. Nagkibit-balikat siya at tulad ko, nakatingin din siya sa mga nakapula.
Nang biglang mag-tugtog ang isang paborito kong kanta:
105 is the number that comes in my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do.Napatingin ako sa relo ko. May 30 minuto pa bago lumipad ang eroplano ko, kaya wala namang masama kung manonood muna ako ng nagpo-propose, diba? Halata naman na propose ang gagawin. Ipatugtog pa ang ‘Marry Me’ ni Jason Derulo-I really love that song!
And you know one of these days, when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough.Napangiti ako. Ang sweet naman ng lalaking iyon! Ang dami niyang effort para sa kanyang minamahal.
Kasabay ng chorus, nakita ko ang lalaking hindi ko ineexpect na makikita ko pa ulit. May hawak siyang bulaklak habang papalapit kay... Ivenika?
I'll say, “Will you marry me?”
I swear that I will mean it.Parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Ramdam ko na namamasa ang mata ko. Narinig ko ang bulong ni Raquel.
“Ang sweet naman..” Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya kung anong itsura ng aking Professor. Hindi niya alam na siya ang taong mahal ko.
Nakita ko ang pagtakip ng bibig ni Ivenika habang hawak niya ang maleta. So, aalis na din siya? Bakit dito pa sa airport kailangan mag-propose?
“Will you marry me?” Tanong ni Prof. Nakangiti siya, at mula sa pwesto ko, nakita ko ang panunubig ng mata niya. Hindi naman malayo ang pwesto nila, may mga nakaharang lang kaya hindi ko agad nakita si Ivenika.
Nakita ko ang dahan-dahang pagtango ni Ivenika kasabay ng matinding kirot ng aking dibdib. Habang dumadaloy ang mga luha ko, narinig ko ang tilian ng mga nanonood at nakisabay pa si Raquel. Nang pinunasan ko ang luha ko, sakto namang nagkatama ang mata namin ni Professor. Naramdaman ko ang lakas ng tinik ng puso ko. Ang kaninang ngiti ni Prof ay unti-unting nabawi. Hindi ko na nakayanan kaya hinigit ko si Raquel pagkatalikod ko.
Oh, yeah
How many girls in the world can make me feel like this?
Baby, I don't ever plan to find out
The more I look, the more I find the reasons why
You're the love of my life.“Sana maging masaya ka, Prof. Sana pag balik ko, wala na akong nararamdaman sa'yo kahit na katiting.”
Tatlong araw na akong nandito sa Cebu at dito ako nag-stay sa bahay namin. Nilinis ko ulit ang bahay at nag-ayos para pumunta sa eskwelahan upang mag-transfer. Tumagal ng ilang araw bago nakumpleto ang mga requirements ko, at mabuti na lang tinulungan ako ni Raquel.
Pinagmasdan ko ang bahay namin na bungalow. Namimiss ko tuloy sila Mama. Sa nagdaang taon, hindi ako umuuwi dito, pero ngayon lang ulit may naglilinis-si Manong Obet. Dalawang beses sa isang linggo siya maglinis, at galing sa ipon ko, pinapadalhan ko siya ng bayad para sa isang buwan. Naiintindihan naman ni Manong Obet na nag-aaral ako, at hindi ko ito kayang ibenta dahil ito na lang ang naiwan sa akin ng mga magulang ko-kung saan kami may mga magagandang alaala.
Napangiti ako, pero agad napawi nang may maalala. Nakokonsensya ako dahil umalis ako ng Manila nang hindi nagpapaalam kay Seven. Silang dalawa lang ni Raquel ang mga kaibigan ko sa Manila, at hindi ko pa nagawang makipagpaalam sa kanya.
Habang nandito ako sa probinsya, tatanggalin ko na sa isip at puso ko si Prof. Masakit man, pero kailangan. Lalo pa't ikakasal na siya, at nasaksihan ko pa kung paano siya nag-propose kay Ivenika. Mapait akong napangiti nang biglang may kumatok sa pinto ng bahay. Mula sa pag-aayos ng mga requirements ko, tumayo ako at kunot-noong lumapit sa pinto. Sino naman yan?
Ang nakakunot kong noo ay unti-unting napawi at naging ngiti nang bumungad sa akin ang nakangiting si Wonwon, ang childhood friend ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang Tupperware.
“Pasok ka!” Yaya ko at binuksan ang pinto. Nakangiti naman siyang pumasok. Isinara ko ang pinto at sinundan siya sa sala.
“Ano 'yan?” Tanong ko.
“Caldereta. Iniluto ni Inay, sabi niya ay hatiran daw kita.” sabi niya. Napatango ako.
“Salamat,” pasasalamat ko, tumango lang siya habang inilalapag ang Tupperware sa lamesa. Pagkatapos ay iginala ang tingin sa bahay namin.
“Ayos ka lang bang mag-isa dito, Ida?” Tanong niya. Tumango ako at kinuha ang Tupperware na inilapag niya. 'Ida' ang nickname ko simula pagkabata, kaya yun ang tawag nila sa akin.
“Sigurado ka? Pwede kitang pasamahan kay Weyang.” Umiling ako at ngumiti.
“Ayos lang ako ditong mag-isa, Wonwon. Wag kayong mag-alala,x sabi ko, at ngumiti sakanya para ipakita na ayos lang ako.
Nitong mga nagdaang araw, hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Hindi maalis sa isip ko yung nasaksihan ko sa airport. Ang assuming ko kasi! Bakit ba ako nahulog sa kanya? Hanggang ngayon, sinusubukan kong kalimutan siya. Gusto ko sanang bumalik doon at sana pagbalik ko, wala na akong nararamdaman para sa kanya na makikita ko siya na hindi ko na mararamdaman yung malakas na pag-tibok ng puso na sakanya ko lang nararamdaman. Gusto ko sana maging normal na lang ang nararamdaman ko pag siya ay malapit.
Titibok na lang kasi yung puso, tapos kay Professor pa talaga.
Ngayon, kausap ko si Raquel sa Skype habang nakahiga sa kama, yakap ang teddy bear ko na naiwan ko dito na ibinili sakin ni Papa noong seven years old pa ako. Simula bata, kasa-kasama ko na siya kaya miss na miss ko. Hindi ko kasi siya naisama sa Manila noong lumuwas ako at wala ring oras na pumunta dito para kunin siya. Anyway, her name is 'Chuchi.'
“Ayaw mo ba talagang sabihin kay Seven ang dahilan mo kaya ka umalis?” Tanong niya.
“Saan ko ba siya pwedeng makausap? Hindi ko kabisado ang number niya,” sabi ko.
“Wait! May number siya ako!”
Isinulat niya sa papel ang number na agad ko namang isinulat sa papel ko. Mamaya ko na ilalagay sa cellphone ko.
Nag-usap kami ni Raquel bago kami parehas na antukin.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...