Pumunta ako sa Starbucks na madalas naming tambayan noong Senior High. Palang ng labas, tanaw ko na si Jacob sa loob, at nagulat ako nang makita ko ang dati niyang ayos ng buhok.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang buksan ang glass door ng café. Lumapit ako sa kanya, at nang mag-angat siya ng tingin, nagtagpo ang mga mata namin.
“Idalia…”
Naupo ako sa harapan niya, tahimik na tumitig at hindi nagsalita. Nang mapansin niyang wala akong balak magsalita, napabuntong-hininga siya at sinimulang magpaliwanag. Akmang hahawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa, ngunit iniwas ko iyon.
“Pitong taon na ang nakalipas nang mawala ang mga magulang ko,” sabi niya, at kitang-kita ko ang lungkot at pangungulila sa mga mata niya. Napaisip ako-akala ko may parents pa siya hanggang ngayon? Naisip ko rin na pitong taon na rin mula nang mawala ang mga magulang ko. Pero bakit niya nga ba sinasabi sa akin ito?
“Parehong araw at parehong lugar namatay ang mga magulang mo at ang mga magulang ko,” sabi niya, at nayanig ako sa sinabi niya. Akala ko, magulang ko lang ang nasawi noong araw na iyon. Walang sinuman sa aming mga kabarangay ang nagsabi tungkol dito.
“Bakit ngayon ko lang ‘to nalaman? Ang pagkakaalam ko, bumangga lang ang sinasakyan nila Mama sa isang truck,” sabi ko. Ngunit umiling siya.
“Hindi iyon ang buong kwento. Nagbanggaan ang tricycle na sinasakyan ng mga magulang mo at ng kotse ng mga magulang ko. Pauwi na sila mula sa ancestral house namin sa Cebu…” Pagkarinig ko nito, nabalot ako ng lungkot, hindi lang para sa akin kundi para rin sa kanya. Pareho pala kami ni Jacob ng pinagdaanan; parehong naging ulila. Pero kahit nararamdaman ko ang lungkot, mas nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya.
“Pero bakit mo ito itinago sa akin?” tanong ko, puno ng hinanakit. Ano ba ang kaugnayan ng pagsisinungaling niya sa nangyari sa mga magulang namin?
Hinawakan niya ang kamay ko, ngayon mas mahigpit, kaya hindi ko na naialis. “Nung nalaman kong ang mga magulang mo ang bumangga sa sasakyan ng mga magulang ko, napuno ako ng galit. Sinisisi ko ang mga magulang mo sa pagkawala nila Mom at Dad.” Iniwas niya ang tingin at mas hinigpitan pa ang hawak niya sa kamay ko.
What? Gago ba siya? Ano namang kasalanan ng magulang ko sa pagkawala ng kanya? Pareho silang biktima ng aksidente! Gusto kong sumagot, ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak niya.
“When we were still in Senior High, palagi kitang nakikita. Hanggang nalaman kong ikaw ang nag-iisang anak ng Crosti.” Tumahimik ako, pinakinggan siya.
“Nang makagraduate tayo ng Senior High at tumuntong sa kolehiyo, nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ka. Hindi ko inaasahang kakaibiganin mo ako, at lalo akong nagulat nang nagkamabutihan tayo, niligawan kita, at sinagot mo naman ako. Alam kong napakagago ko, dahil niligawan lang kita para makapaghiganti.”
Lalong umusbong ang galit ko. I thought he genuinely loved me. Ang buong akala ko, totoo ang lahat ng pinakita niya sa akin. Ngayon, nagsisisi akong hinayaan ko ang sarili kong mapalapit sa kanya.
Hindi ko lubos maisip ang mga pinagsasabi niya. Imagine grieving your parents' death tapos biglang may taong galit pala sa’yo dahil sa bagay na hindi mo naman kasalanan. My parents were good people, and Jacob never knew how much they loved me.
“Bakit kailangan mo pang maghigante? Pareho naman tayong nawalan, hindi ba? Kung nabuhay pa ang magulang ko at sa kanila nangyari ang aksidente, baka mas may dahilan ka pa, pero pareho tayong nawalan!” Napataas ang boses ko, at sa unang pagkakataon, hindi ko napigilan ang galit ko. Muli niyang hinawakan ang kamay ko para pakalmahin ako.
“Naging magkaaway ang mga magulang natin. May hidwaan noon dahil sa pagparada ng sasakyan nila Mom sa palengke, sa mismong spot na ginagamit ng mga magulang mo. Kaya nang mangyari ang aksidente, naisip kong baka pakana iyon ng mga magulang mo,” sabi niya, may bakas ng pagsisisi sa boses niya. “Hindi ko pinag-isipan nang mabuti. Nagpadala ako sa galit.”
Galit ang nangingibabaw sa akin ngayon. Hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ngunit habang pinagmamasdan ko siyang umiiyak sa harap ko, parang dinudurog ang puso ko. Ngayon lang siya umiyak sa harap ko. Dati, siya ang sunshine guy sa buhay ko. Dapat galit ako sa kanya, pero ngayon, naaawa ako.
Pinunasan niya ang mga luha niya. “Totoong pupunta ako sa US, pero pinigilan ako ng kababata ko bago ako sumakay ng eroplano. Sinabi niya na may kailangan akong malaman, si Fave, ang high school sweetheart ko, kailangan ako.” Nabasa niya siguro ang nasa isip ko. “Nagdalangtao si Fave noong umalis ako sa Cebu. May anak na ako, Idalia. Tatlong taon na si Javen.”
Nagulat ako. Jacob has a son? Ang dami niyang itinago sa akin. Nainis ako. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan mo pang ilihim?” mahina kong sabi.
“I’m sorry, Idalia. Wala akong lakas ng loob.” Mapait akong napangiti.
“Walang lakas ng loob? Jacob, kung nagawa mo ngang maghigante, dapat nagawa mo rin sabihin sa akin ang totoo. May anak ka na ngayon, kaya sana, pakawalan mo na ang galit sa puso mo. Hinding-hindi ka magiging masaya kung palaging nasa nakaraan ang isip mo.”
Napuno ng luha ang mga mata ni Jacob. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “Napagtanto ko na ang lahat ng mali ko, kaya nandito ako ngayon para humingi ng tawad. Alam kong mahirap na patawarin ako, pero sana, mapatawad mo ako.”
Papatawarin ko ba siya? Pinalaki ako ng mga magulang ko na matutong magpatawad, kahit na mahirap. Deserve ba ni Jacob ng pagpapatawad? Kung aalis ako na may mabigat sa puso ko, baka hindi ko kayanin. Huminga ako nang malalim.
“Aalis na ako, Jacob,” sabi ko, at kita kong napuno ng lungkot ang mga mata niya. Alam kong naghihintay siya ng kapatawaran ko. “Hindi ko kayang umalis nang may galit sa’yo. Marunong naman akong magpatawad. I don’t love you anymore, kaya madali na lang sa akin ang pakawalan ka. Hindi na natin mababalikan ang nakaraan. I'm sure masaya na ang mga magulang natin. Mag-move on na tayo, Jacob.”
Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko at ngumiti. “Maraming salamat, Idalia. Alam kong hindi ko deserve ang ginawa ko sa’yo. You don’t deserve the pain I caused.”
Lumabas ako ng Starbucks na magaan ang pakiramdam. Napawi ang galit ko dahil sa nakita kong pagsisisi ni Jacob, at natutunan kong ang pagpapatawad ang tunay na nagpapagaan ng loob.
Pagdating ko sa apartment, nakita ko nang nakaayos na ang mga gamit ko. Lumungkot ako nang isipin kong iiwan ko na ang lugar na ito. Ang tahanan ko simula noong tumuntong ako sa Maynila. Mamimiss ko ang apartment ko, ngunit kailangan kong umalis.
“Saan ka titira pag-uwi mo sa Cebu?” tanong ni Raquel, na kagagaling lang sa kusina.
“Sa bahay namin sa Cebu,” sagot ko.
“Final na talaga?” tanong niya ulit, at tumango ako. Lumapit siya at niyakap ako nang mahigpit. “Mamimiss kita!” Tumawa ako at niyakap din siya pabalik.
“Paano ang pag-aaral mo?” tanong niya.
“Itutuloy ko sa Cebu.” Muling niyakap ako ni Raquel, at maya-maya’y naramdaman kong basa na ang balikat ko.
“Mamimiss kita! Alam mo namang ikaw lang ang best friend ko dito sa Maynila. Thankful ako sa’yo, lalo na nang ipakilala mo si Seven sa akin, pero ngayon, iiwan mo na kami,” sabi niya, humihikbi.
“Alam mo naman kung bakit kailangan kong umalis.”
“Wala na bang ibang paraan?” tanong niya. “Bakit kasi sa probinsya pa?”
"Malaki ang chance na makita ko ulit siya pag dito ako sa Manila, pero mas okay talaga sa probinsya. May Skype naman, at pwede mo rin akong dalawin sa Cebu."
After namin sa drama namin, inayos ko na ang sarili ko habang nag-book naman ng flight si Raquel. Nang handa na ako, gumayak na kami papuntang airport.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier
Roman d'amourFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...