Destiny's Plan

16 0 0
                                    

While I was scrolling on my News Feed, biglang may nag message sakin and it was you... I smiled then opened your message. It was just '.' So I replied, 'tuldok' then you replied, 'point' So I replied again 'dot'.

Natatawa ako sa kagaguhan natin then reply mo ulit. "dotdotin kita ng kiss" I laugh hard when I read that kaya napareply ako ng "baka magalit si Kleo, lagot ako dun" but you just laughed.

You asked how's my day like you always do. Pero alam ko na sa araw na 'to. Ito yung huling tanong mo kung kamusta araw ko. Masaya ako kasi sa huling araw ng buwang mayo ay nakausap kita, at ibig ko na talagang tapusin kung anong meron tayo, noon at tayo, ngayon.

Bigla ko nalang naitipa sa cellphone ko ang katagang, "1st Anniversary na sana natin" nung nagsend iyon ay nag sad react ka naman sa mensahe ko at nagreply ng "Happy 1st Anniversary kuting." Napangiti ako sa nabasa ko, miss ko na tawagin mo kung ganun.

Hindi ko alam bakit tayo naabot sa topic tungkol sa kung among meron tayo noon. Sabi nga nila kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao, kung siya napagod ng husto makakabitaw talaga siya sayo ng kahit siya hindi niya alam.

Kasalanan ko lahat kung bakit tayo naabot sa puntong ganito. Kung hindi sana ako nalito sa sarili ko noon, sana may tayo parin ngayon. Kung sana hindi kita napabayaan, ako parin sana ang minamahal mo, sakin ka parin sana uuwi.

Habang binabasa ko lahat ng mensahe mo kung gaano mo ako kamiss, kung gaano mo gustong gusto maibalik ang dating tayo. Kung gaano mo sinisisi ang sarili mo ngayon dahil nasasaktan mo ako, kung gaano mo murahin ang sarili mo dahil sa pangakong naipako mo. Hindi ko maiwasan na hindi masaktan, kasi kilala kita.

Pero wala e, huli na ang lahat. Kung kailan kita hinila noon, nakabitaw ka na pala sakin. At ngayon, may isang tao ng nagpapasaya sayo. At masaya ako dahil masaya ka, masaya ako dahil alam kong sa kanya ka na uuwi, sa kanya mo na nararamdaman ang mga pagkukulang ko noon.

"Let's close this chapter of our book, please?" Basa ko sa mensahe mo. "Tsaka natin buksan pareho ang bagong yugto ng buhay natin na magkasama" I was speechless...

"Kasi kahit ganito ang nangyayari satin ngayon. Kuting, promise ikaw parin future ko. Ikaw papakasalan ko na kahit yung ibang promise ko napako, kahit yan lang. Gagawin ko, tutuparin ko. Pupuntahan kita." Napangiti ako tsaka nagreply ng, "Isarado muna natin ang yugto nating dalawa sa ngayon. Let's open our chapter TOGETHER, in the future. Tayong dalawa. Wala ng iba."

Alam kong agree ka kaya nagpaalam na ako na matutulog. It's not our intention na sa saktong isang taon pala natin masasarado ang chapter nating dalawa. Kasi sobrang detailed na ng future natin e. Pero masaya parin ako dahil sa saktong isang taon natin, we have our closure together. Na kahit wala ng tayo. We still promised na we got each other's back. Na susuportahan parin natin ang isa't-isa.

Lahat ng pangyayari sa buhay natin, planado. Kung nasasaktan ka ngayon, asahan mong sa susunod matapang ka na. Lahat ng sakit na nararamdaman mo may kaakibat na dahilan.

Kung hindi man kayo ng pinapangarap mo sa ngayon, ipagdasal mo lang yan. If it's His will, kung kayo, kayo talaga. Just learn to let go for now. Because everything is planned.

━━━━━━ 𝒶𝓇𝓎𝓈𝒾𝓃𝓁𝓊𝓃𝑒 ☾

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon