Chapter 1

2 3 0
                                    

Dategram
__ ( errors ahead.)

"Hay, nakakabored ang tagal naman ni Ma'am." sabi ko at bumuntong hininga.

Nakakabugnot na kasi. Ang tagal tagal pa ng mga teachers. Nagbabayad kami ng tuition para matuto hindi para maging tulala dito. At itong mga punyetang teachers dito sa Saebam High School puro paganda ang alam. Ito namang mga classmates ko tuwang-tuwa at todo phone pa.

"Alam mo para hindi ka mabored, try mo 'tong Dategram." sabi ng katabi ko si Lorie, she's my best friend.

"Ano namang gagawin ko diyan? andiyan ba mga lessons natin?" I asked her and she just laugh.

"Gaga wala, this is a dating app. Parang may makakachat ka ganon!" sabi niya at pinagpipindot ang phone niya.

"Ayoko nga. Kailangan ko ng lessons hindi kausap." sabi ko at napalingon siya sa akin.

"Gosh, puro ka kasi aral. Try mo din kayang humarot harot 'no?" sabi niya, ayoko naman kasi talaga.

I'm not into relationships. And wala pa sa plano kung yang mga yan. At dahil bored na bored na talaga ako. Naisipan kong i-try, why not.

"Fine, download it" I said at inabot sa kaniya ang phone ko.

Agad niya itong kinuha at pinagpipindot-pindot. Ng matapos niyang i-download ay tinuruan niya ako.

"Oh ilagay mo muna phone number mo tapos may code na lalabas itype mo din." sabi niya at agad kong ginawa.

"Then?" I asked.

"Ayan, set up mo profile mo." sabi niya at pinindot at settings.

Hindi ko nilagyan ng profile picture kasi ayokong naiintimated ang karamihan. Nilagay ko ang name ko na 'Shy' my nickname. Pagkatapos nilagay ko ang bio ko sa 'Omg, find me between the paradox' nakita ko yan sa bio ng favorite author ko sa wattpad na si Josh Gonzales dinagdagan ko lang ng omg because I always says that. Nagset ako ng username nilagay ko ang 'Vianaaaa' and thats my second name.

"Done, anong isusunod ko." agad niya itong tinignan at nag thumbs up.

"So next, ay maghahanap ka ng ka direct message mo or dm for short. Type mo sa search 'chat anonymously' tapos may lalabas na channel diyan, pindutin mo yung join." sabi niya at ginawa ko agad.

"Next, may lalabas diyan sa '/end' at /start. Kapag pinindot mo yung 'start' magse-search yan ng partner tapos kapag may lumabas na 'partner found' start na ng chat mo kung ayaw mo na kausap pindutin mo ang 'end'. Marami horny diyan so better na maayos yung hanapin mo bago mo ibigay ang username mo or un." mahabang paliwanag niya at ni isa wala akong naintindihan.

Pinindot ko ang start at lumabas agad ang partner found.

Partner Found!

Partner: Hi, asl?

Huh, ano yung asl. Gosh wala talaga akong alam sa mga ganto.

"Lorie ano yung asl?" kalbit ko at agad naman siyang sumagot.

"ASL means Age, Sex, and Location. Bilisan mo mag-reply cause mainipin sila diyan." sabi niya kaya ginawa ko naman.

Message: Girl,17

Agad kong sinend ito at na-seen niya agad.

Partner: You naughty?

Gago 'to ah, agad ko pinindot ang end. Horny ang isang 'to. And I hate that. No respect sa girl.

Chat/ search terminated.

Use /start to start a new search.

Pinindot ko ang start. At lumabas ang mahabang message.

MEET ME (Dategram Series #1) | ONGOINGWhere stories live. Discover now