Chapter 4

1 1 0
                                    

His Family

__ (errors ahead.)

"Sit here beside me."

"At bakit? 'Di ka ba makaupo ng wala ako huh?!"

Gosh he's so fvcking annoying. Hindi ko na siya pinansin ang patuloy sa pagpipicture ng kahel na kalangitan. Maya-maya pa ay may naramdaman akong humila sa akin.

"Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako!" pilit akong nagpupumiglas pero ako lang ang nasasaktan e.

"Shut up miss." he said and smirked.

Pagkatapos niya akong paghihila hilain ay dadalhin lang naman pala ako sa isang villa. Nagpahanda daw siya ng dinner para sa amin.

Makalipas ang ilang sandali dumating na ang pagkain. And puro sea foods. I'm allergic kaya. Hays, hindi muna kasi nagtatanong ang lalaking ito.

"Eat."

"Gusto mo na ba ako mamatay? Kung gusto mo edi sana nilunod mo na lang ako sa dagat. Duh, hello? I'm allergic sa sea foods." I said ang rolled my eyes on him.

"Fvck! E bakit hindi mo kasi sinabi agad huh?!" singhal niya.

"As if naman na alam ko na kakain tayo ng sea foods dito 'di ba? Oh ikaw bakit hindi ka muna nagtanong?" pabalik kong tanong.

"It's a surprise. But you're allergic." he said at tinawag ang waiter. "Kayo na ang kumain nito sa mansion na lang kami kakain."

"Hoy lalaki, iuwi mo na ako. Sa bahay na ako kakain." I said at nauna ng naglakad papunta sa kotse niya.

"Walang tao sa bahay niyo may new york trip sila Lorie. Kaya sa akin ka muna ibinilin."

What? At bakit naman biglaan ang lakad nila. At hindi pa talaga nagawang magpaalam sa akin ni Lorie napakagaling na babae. At sa lalaking ito pa ako pinagkaubaya. Laki ng tiwala ah.

"Kaya ko sarili ko. Marunong ako magluto." I said before going inside his car.

"Tss."

Nagdrive siya at as usual hindi na naman daan pauwi sa apartment ito. Ng nilingon ko siya ay puro buntong hininga lang ang ginagawa niya. Parang tanga rin 'to minsan e.

Inabot niya sa akin ang isang juice. "Drink this."

"Ayoko. Baka may lason pa 'yan maaga pa ang pagkawala ko sa mundong ibabaw. If you want it, go on drink it." I said at dineretso ang tingin sa harapan.

Uminom siya. "Oh walang lason edi sana nangisay na ako. Drink it baka nauhaw ka kanina kakalakad sa dagat.

Tama nga naman siya. Dahil nakaramdam din ako ng uhaw kanina. Paano ba naman kasi puro siya hila sa akin e kaya ko naman maglakad. Wala na akong ginawa ang ininom na lang ang juice na binigay niya.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang malaking mansion. Bumukas ang isang malaking gate ang tumambad sa aking harapan ang pinakamagandang mansion na ngayon ko pa lang nakita. Hindi ko naman inakala na ganito kayaman ang lalaking ito. Kaya pala sobrang yabang e.

"Young Master, kanina pa ho kayo inaantay ng pamilya niyo." sabi ng isa sa mga katulong yata nila.

Ang formal nila huh. Para isa sila sa mga royal family. Pinapasok na kami at bumungad sa akin ang maliwanag nilang lobby. Nakakalula pero ganito rin naman sa mansion sa bahay pero hindi ganito ka-sosyal. Hinawakan niya ang kamay ko at as usual hila hila na naman niya ako.

"Oh you're here son." the man in 40's said. Nilingon niya ako at tinignan pa ang kabuoan ko. "Who's this lovely lady huh?"

"She's my friend." he said.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MEET ME (Dategram Series #1) | ONGOINGWhere stories live. Discover now