Lila's POV
Umaga nang papunta ako malapit sa INN , dala ko ang basket para kunin ang pagkain roon na ipinag-utos na kunin ng aking mama. Nang makarating ako sa INN, maraming Adventurers ang nandun nagpapahinga at nag-uusap tungkol sa mga Quest at Dungeons na kanilang napuntahan. Nakakatuwang tignan ang kanilang kasuotan.
" Lila ! Nandito ang pinakukuha sa 'yo ! " tawag ng isang waitress sa INN na si Tanny. Pumunta ako sa kanya at binuksan ko ang dalang basket. Inilagay ang tinapay at bote ng gatas.
" Narito ka pala, Lila. " sabi ni kuya Aaron habang nakangiti ito sa 'kin at pina-pat ako sa ulo. Mabait na tao si kuya Aaron, isa siyang Hero Sa Ecrin village , kilala bilang makisig na adventurer .
Name: Lila
Gender: female
Hair color: Lilac
Eye color: Light green
Age: 16yrs old
-info-
Job/class: MageName: Tanny
Gender: female
Hair color : red
Eye color : blue
Age: 28 yrs old
Race: bunny.
-info-
job/class: Waitress/bardName: Aaron
Gender: male
Hair Color: yellow
Eye color: blue
Age: 20 yrs old
-info-
Job: hunter" Ako na ang magdadala ng basket na yan . Halika na, ihahatid kita sa inyo " sabi ni kuya Aaron .
Sabay kaming lumabas ni kuya Aaron at napansin ko ang kanyang bag na parang puputok sa sobrang daming laman. Tila nagsisiksikan na ang mga laman nito sa loob.
" Kuya Aaron, ano pong laman nitong bag na dala n'yo? " tanong ko kay kuya Aaron .
" Mga nakuha ko sa paglalakbay. " Sagot niya sa akin.
Nang makarating kami sa bahay ni mama, sinalubong niya kami at inabot ni kuya Aaron ang basket kay mama habang nagpapahinga kami sa sala. Dumating si mama dala ang pagkain at ibinigay niya ito sa amin ni kuya Aaron.
Binuksan ni kuya Aaron ang bag niya at kinuha ang ilan sa mga laman nito sa loob
at nilagay niya sa mesa." Galing ako sa dungeon kanina at ito ang mga nakuha ko , "Cores" "Crystal" . " sabi ni kuya Aaron at naghahalungkat pa ng gamit nito sa loob ng bag .
[ Cores ] [ Cores of elements,Monster ]
=ginagamit sa pag-craft ng weapons at accessories .[ Crystal ] [ Diamond , Sapphire , Emerald etc ]
= ginagamit sa paggawa ng mga accessories .Nilabas ni kuya Aaron ang isang music box at pinakita niya ito sa akin .
" Binili ko ito sa isang village kung saan kami nagpunta ng ka-party namin. Napukaw ng atensyon ko nitong music box at naisip kong bilhin para sa 'yo Lila. "
" Wo~ah...! Ang ganda naman nito kuya Aaron " sabi ko habang may malaking ngiti at liwanag sa aking mga mata. Naka tinggin sa akin si kuya Aaron at kanyang sinubukan na patugtugin ang music box ngunit hindi ito gumana .
" Hnnn? Ayaw niya tumugtog ...? Nako, nasira ata sa biyahe ... " sabi ni kuya Aaron at kita mo sa kanya ang pagkadismaya. Nilapag nito ang music box at tumingin sa akin si kuya Aaron " sa susunod na paglalakbay ko, bibili ako ng iba . " nakangiti siya sa akin nung sinabi ito.
Kinuha ko ang music box na kanyang bigay at " Kuya Aaron ! Thank you po sa regalo! " masaya akong nakatanggap nito dahil bihira lang ako makatanggap ng gantong bagay .
Muling ngumiti si kuya Aaron sabay sabing "Mabuti at gustuhan mo. "
Nang 10 yrs old pa lamang ako. Unang beses ko makita si kuya Aaron sa Ecrin Village . Ilan taon din kaming magkasama at lagi siyang nand'yan sa tabi ko, binabantayan at pinoprotektahan ako palagi .

BINABASA MO ANG
The Secret Of Lilac Garden
FantasySi Lila isang bata na may special magic sa pag-remove ng curse spell at may healing magic . Nang siya ay lumaki, nakakakita siya ng iba't ibat pangitain na hindi pamilyar sa kanya . Ano kaya ang mga ito...~? Halina't ating alamin .