Chapter 2 | Flower pot

41 6 2
                                    

Lila's POV

Umaga nang magising ako. Naalala ko ang pangitaing nakita ko simula nung nahawakan ko ang Music box kagabi.

Bumangon ako at bumaba na para mag-almusal at makapunta sa INN. Ngunit...

" LILA ! " Pasigaw na tawag sa akin ni Laluna habang kumakatok sa pintuan.

Nagmadali akong bumaba at agad na pinagbuksan si Laluna nang Pintuan, napansin ko ang dala nyang pouch.

" ..M..Magandang umaga Laluna? maaga pa, anong meron? " sabi ko habang kinukusot pa ang aking mata.

" May nakita akong papel! " makikita ang pananabik kay Laluna habang sinasabi nya ito.

Hinawakan nya ako sa kamay at dinala ako sa sala namin.

" Magugustuhan mo ito! " sabik na sinabi ni Laluna sa akin. Binuksan nito ang dala nyang pouch at kinuha nya ang laman sa loob. Isang papel na gusot.

" ..I-isang papel? ...para saan yan? " nagtatakang itinanong ko sa kanya.

Binuklat ni Laluna ang gusot na papel at ipinakita sa akin.

" Nakita ko ito sa isang libro ni Elder Merril, itinabi ko ito ngunit napakielaman ng kapatid ko ... pinaglaruan nya ito nang hindi ko na pansin, inakala rin ni mama na basura ito kaya... ginusot nya. " ninenerbyos na sabi ni Laluna.

" ....Kung kay Elder Merril ito kailangan natin isauli. " sabi ko kay Laluna.

" Huwag na natin muna isauli! Natatakot akong pagalitan nya ! " sabi ni Laluna habang nangingilid ang kanyang luha.

" ...Umm... sige Laluna~ " sagot ko sa kanya at kinuha ko ang papel na kanyang hawak . "... oh kakaiba ang sulat na to.. Di na rin mabasa ang ibang nakasulat gawa ng pagkasunog dito..." pabulong na sabi ko kay Laluna.

" Ga-ganun ba? " sagot ni Laluna.

Habang nag-uusap kaming dalawa ay tinawag kami ni mama para kumain. " Susunod na po kami mamaya ina! " Sagot ko at inaya ko si Laluna sa itaas ng kwarto.

Nang makaakyat kami ni Laluna sa kwarto ay sinarado niya ang pintuan.

" Alam mo ba basahin iyang nakasulat Lila? " tanong ni Laluna sa akin .

" ...Oo , ang nakasulat dito ay... " Athrú Méid. " matapus kong banggitin ang magic spell na ito ay.... bigla akong lumiit na parang pitong taong gulang.

[ Athrú Méid ] [ also called: Size Alteration / Shifting ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ Athrú Méid ] [ also called: Size Alteration / Shifting ]

ABILITY TO:
Manipulate the size of anything and everything.

The Secret Of Lilac Garden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon