CHAPTER 2
-MIA-Nanlalaki yung mata kong nilingon yung nagsalita sa likod ko.
At ganun nalang yung panlalaki ulit ng mata ko, grabe sis feeling ko lumabas na yung mata ko eh charot.
"Don't stare at me like that, you're creeping me out"
Napairap ako
"Hindi ka naman gwapo para titigan" nakataas ang kilay na sabi ko
"Wow hah? Coming from you?" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa
"Oh eh ano naman?" Feel ko magtaray ngayon.
Napailing lang sya, parang hindi makapaniwala. Umirap lang ako saka lalagpasan sana sya.
"Wait, wait, wait, at san ka pupunta?"
"Doon" turo ko sa may wooden chair, ilang dipang layo mula sa kinaroroonan namin.
Napataas yung kilay nya saka sinundan ng tingin yung tinuturo ko.
"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa'kin?"
Natigilan ako, pakshet, sya yung lalaki na natapunan ko ng juice kahapon.
"Nagsorry naman ako ah" napakagat ako sa labi ko, tas ngumuso, hindi makatingin sa kanya, yung tingin nya kasi parang may balak pa syang iuntog ako eh.
"Well, your sorry is not enough" masungit na sabi nya "Hindi matatanggal ng sorry mo ang mantya ng uniform ko" nang-gi-guilt-trip naman tong mokong nato
Napakunot yung nuo ko, pwede namang labahan yun ah! Ang OA naman neto, hmp!
Napanguso tuloy ako
"Mukha kang aso"
Napaangat agad yung tingin ko sakanya
'Mukhang aso?! Sino? A-Ako?!'
Tumaas pa yung kilay nya, parang nabasa yung nasa isip ko "Mukha kang aso" nagkibit-balikat pa, aba ang lakas ng loob na ulitin pa, kingina.
'Ang lakas ng loob nyang ikumpara ako sa A-Aso?! Aba ang tibay! At dahil dun, gusto ko tuloy sya iumpog sa semento ng hard!'
Nakakapang-gigil e "A-Ano kamo?" Nagtitimping tanong ko.
'Wag kang magkakamali, ikakamehame wave kita jan tamo'
"Sabi ko, mukha kang aso" kaswal na sabi nya, mukhang bored na bored pa syang sinasagot ako!
Nag-init agad ang ulo ko, sino ba namang matinong tao ang matutuwa na ikumpara sa a-aso?! Hah! Wag ako! No, no, no, cannot be, borrow one to zero—choz
"Aba! Ang lakas naman ng loob mong ikumpara ako sa aso!" bulyaw ko sakanya, kingina lang
"Wag ka kasing ngumuso-nguso, nagiging kamukha mo tuloy yung aso ko" napanganga ako "pangit ka na nga, magmumukha ka pang asong nahihirapang tumae" yun lang at nilampasan nya akong nakanganga sa kawalan.
YOU ARE READING
Letting You Go
Teen FictionI'm expecting you to love me, to treasure me. But what did you do? You hurt me more than i could expect. ©SlayInderella