Chapter 7

9 2 117
                                    

XI HOSPITAL

"Kamusta si Nanay Meiya?" - napalingon naman ang 3 babae sa narinig nilang boses..

"Bina?" - pagkakita nila.. Napatakbo naman si Xena dito at niyakap..

"sorry nalate ako ng punta.. Tinulungan ko pa kasi si BinBin magdeliver.." - sabay yakap niya din kay Xena..

"Okay lang Bina.."-sabay punas ng luha niya..

"sa wakas nakumpleto din tayo!! Kaso dito pa talaga sa Ospital.. Haist.." - sabay yakap din ni Kara kila xena at bina..

"Ay nako.. Magiging okay din si Nanay Meiya noh!!" - sabay yakap din ni Naeya sa tatlo..

"haha.. Tama na nga itong Drama na ito.. Baka bumaha pa dito.." - sabay alis nila sa pagyayakapan pagkasabi ni Xena.

"Kumain na ba kayo? May dala ako pagkain.." - sabay smile at taas ng mga dalawang pagkain ni Bina..

"ikaw talaga.. Hindi ka pa din nagbabago.." - sambit ni xena at nagsmile lang din.. Kinuha naman niya ang ibang dala ni Bina at pumasok na sila sa kwarto kung asan ang lola ni Xei..

---------------

"Xena Gusto mo ba umuwi muna para makapagpahinga ka at makakuha ng ga--" - hindi na naituloy ni Bina ang sasabihin niya dahil bigla biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Nanay Meiya..

"Ma! Kamusta si lola??" - bigla naman nagkatinginan ang tatlo at tumingin ng sabay sabay kay xena na may halong pagtataka at tanong sa mga muka..

"ah.. A--anak ko pala.. Si Yumi.." - sabay smile ni Xena.. Pero halatang may sakit sa mga ngiti niya..

"Hello po. Ako po si Mayumi kim.."-sabay smile at bow niya sa 3 babae.. Nagsmile na lang yung tatlo at nag hello na lang kay Yumi..

"ano pala ginagawa mo dito??" - tanong ni Xena sa kanya..

"Binalita po kasi sa akin ni Papa na sinugod daw sa ospital si lola. Kaya pumunta po agad ako dito.."

"ah gaganun ba.. Okay naman na ang lola mo." - sabay smile niya habang hawak hawak sa kamay si Yumi..

"Buti naman po kung ganun.. Dahil malukungkot po ako kapag hindi siya nakapunta sa graduation ko.." - napalingon naman ang tatlong babae kay xena.. Dahil inaasahan nila na makakapunta ng graduation ni xei ang lola niya..

"ah yumi.. Kumain ka na ba? Gusto mo kumain muna??" - tanong ni xena sa kanya..

"ah hindi na po mama.. Aalis na din naman po ako dumaan lang po ako para icheck si lola, sige po alis na po ako.." - sabay ayos niya ng bag at ngumiti kay xena.. nag paalam din siya sa mga kaibigan ng kanyang ina.. Ngumiti lang sila at pagkaalis ni yumi ay hindi na sila nagdalawang isip na tanungin si xena..

"Anak mo? Papaano? Kanino??" - tanong ng nanay ni Pandan..

"ay nako Kara! Isa isa lang na tanong.." - saway ng nanay ni Moonbin..

"Kasi naman.. Paano si lixlix.. Malapit na din ang graduation nila.. Inaasahan niya ang kanyang lola.." - sagot naman ng nanay ni Minseok..

"alam na ba ni xei lix ang tungkol sa anak mong si Yumi??" - tanong ng nanay ni Pandan..

"Sino Si Yumi.. "

Bigla naman silang napatingin sa pintuan ng marinig nila kung sino ang nagsalita..

"Xei lix!" - sigaw ni xena dahil biglang tumakbo palabas ng kwarto si xei lix..

"Ako na po bahala.." - sambit ni Minseok sa nanay ni Xei..

Love Shot (EXO & ASTRO)Where stories live. Discover now