<333

1 0 0
                                    


' Damn ang sakit palang maloko,ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal mo ng totoo ' aniko sa isip ko.

Wala akong pake kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa lakas ng iyak ko.

Ang sakit malamang kinaibigan lang pala nila ako kasi may pera ako. Hindi ko alam na yung mga taong tinuring kong parang totoong mga kapatid, ay puro kasinungalingan lang ang pinapakita saakin.

Sa sobrang pag iyak ko di ko na namalayan na napunta na ako sa isang park. Na mukhang pamilyar sa'kin.

Then I remember something, ito yung park na madalas naming puntahan ng bestfriend ko magmula bata kami, pero lumayo ako sakan'ya.

Lumayo ako sakanya nung nalaman ko na nahulog na pala ako sa kanya, ayokong masira ang friendship namin lalo na't may gusto na siyang iba.

Then may nakilala akong mga kaibigan. Pinagkatiwalaan at minahal ko sila na parang kadugo pero ginamit lang pala nila ako para sa pera.

Umupo ako sa isa sa mga swing na madalas naming upuan noon ni Vin,ang bestfriend ko. Doon ko ibinuhos lahat ng iyak ko.  Ang sakit sakit, kung nandito lang sana siya hindi ako malulungkot ng ganito.

"Wala naman akong balat sa pwet pero bakit ang malas ko?" may naramdaman akong pumapatak sa katawan ko shuta pati langit nakikiiyak wala na basa na damit ko huhuhu ang malas ko!

Tutal basa na ako eenjoyin ko nalang yung ulan.  Pumikit nalang ako habang naka upo sa swing.
Habang enjoy na enjoy ko na yung ulan biglang tumigil pero naririnig ko pa yung ulan.

"Bakit ka nag papaulan alam mo namang sakitin ka tss." bwisit bat naririnig ko boses ni bestfriend?iminulat ko yung mata ko. Bumungad ang pamilyar na mukha,  na matagal ko ng gustong makita.

"Shit nakadrugs ba ako? " tanong ko sa sarili ko. then I heard him chuckle. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko para manigurado.

" Bakit gano'n? hindi naman ako nag katol pero parang ang high ko? "hagulgol na tanong ko at yumuko

habang iyak ako ng iyak may nag pat ng ulo ko. Wait s-si Vin lang gumagawa sakin nun ahh.

" Ikaw talaga Riri hindi ka nakakatol ako to si gwapong Vin "  wika neto. Nagtaka ako dahil si Vin lang tumatawag sakin ng Riri.

Tumayo ako kaso nauntog ako sa payong pero hindi masakit heheh. Pinaka titigan ko yung taong nasa harap ko tapos kinurot ko na rin napangiwi tsaka naramdaman ko yung balat nya shet totoo nga!

" V-vin ikaw nga ang panget mo na!" huhuhu si Vin ko nga. Niyakap ko sya ng mahigpit yung tipong mamamatay siya pero joke lang yun.

Huhuhu 3 years ko din siyang hindi nakita magmula noong iniwan at nilayuan ko siya.

Ang gwapo niya lalo parang lahat ng feelings ko dati sa kanya bumalik yung pag mamahal ko na para sa kanya na matagal ko nang kinalimutan lahat bumabalik.

Niyakap niya ako pabalik sobrang higpit. Pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko at may naramdaman akong mainit na likido na sa tingin ko galing sa mga mata nya dahil naririnig ko ang mga mahina niyang hikbi.

"R-Riri a-akala. . . . ko h-hindi na kita mahahanap bakit ka ba umalis! Ha?  Akala ko ba walang iwanan engot ka talaga! Hindi ko tuloy masabi sabi sayo yung matagal ko ng gustong sabihin. "
Parang may kumiliti sa puso ko ng malaman ko na hinanap pala niya ako.

"Sorry Vin kung umalis ako kaya lang naman ako umalis kasi. . . . kasi. . . ."  Ngayon ko na ba sasabihi? Natatakot ako. Natatakot ako sa maari niyang sabihin. Natatakot akong masaktan lalo.

"Ano Riri bakit ka umalis?" Tanong niya ulit sakin habang kumakalas sa yakap namin. Tapos hinawakan ko yung mga kamay niya.

" U-umalis ako E-Ethos kasi. . . . kasi mahal na kita  alam ko naman na. . . .si Louise yung mahal mo eh. . . . kaya lumayo ako kasi sobrang sakit na."
Sabi ko habang patuloy na humihikbi. Nagulat nalang ako ng bigla niyang ibalibag yung payong na hawak niya kaya tuluyan na kaming nabasa.

" RIELLE  EMANUEL  KAHIT KAILAN ANG ENGOT AT MANHID MO!" sigaw niya. Nag taka naman ako dun sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"ANONG IBIG MONG SABIHIN VIN ETHOS !!!!???" Sigaw ko pabalik.

Lumapit siya sa akin sobrang lapit na naamoy ko yung mabango niyang hininga at dumadampi sa mukha ko. Bahagya niyang itinaas ang baba ko  at tumingin sa mga mata ko ng diretso.

"Mahal rin kita Riri mahal na mahal na mahal kita  ewan ko ba kung tanga kalang engot o manhid bakit kahit anong paramdam ko sayo di mo maramdaman? " Kusa nag bagsakan ang mga luha ko sa saya kasabay ng pagalapat ng labi niya sa labi ko. Dampi lang iyon pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobrang saya ko sobra sobra.

"Hindi ako manhid,engot at tanga.I JUST THOUGHT THAT YOU ALREADY LOVE SOMEONE."

Then I heard him chuckle again.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I thought [oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon