PROLOGUE

0 0 0
                                    

Italy, 2014.

"Dad, Is it true?" mahina pero may diin kong sabi.

Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak ito sa seradura ng pintuan ng library nya. Tingin ko kasi kailangan ko ng suporta dahil nararamdaman ko any minute by now apy lalabasan na ako ng sungay.

"Where's your manners Young Lady? Hindi ka ba tinuruan ng ina mo na kumatok muna bago pumasok?" sabi nya saka tinapunan ako ng matalim na tingin.

Wala na akong pakialam sa manners manners at poise poise na sinasabi nya ang mahalaga ngayon ay kailangan kong malaman yung totoo.

"Just answer my damn question!" buong lakas na sigaw ko.

"I think you should rest Young Lady ---" singit ni Jyle na nasa tabi ng lamesa ni dad.

"Wag kang mangingilam dito, Clarren. Kung ayaw mong madamay! Now. Leave!"

Sya si Jyle Clarren. Ang secretary ni Dad. Matanda lang siya sa akin ng limang taon. Maagang namatay ang tatay nya na secretary ni Dad kaya sya ang pumalit sa pwesto nito. Alam kong napilitan lang sya sa inatas sa kanyang responsibilidad pero bukod pa doon masasabi kong kayang kaya nya ang trabaho nya at nagagampanan nya ito ng maayos dahil kung hindi baka limang minuto palang ito kay Dad ay paniguradong tanggal na agad ito. Sa ugali ba naman na meron si Dad.

Sumumpa kasi ang angkan nila na maninilbihan sila sa pamilya namin dahil sa utang na loob na hindi ko alam kung ano. Matagal na panahon na yun pero nasusunod pa rin. Nakakabilib lang.

"But this is not the right time for- .."

Kasama kong lumaki si Jyle Clarren. Kaibigang matalik sya ni kuya. Madalas tahimik lang sya lagi sa tabi kaya madalas ginagawa ko syang alalay at alipin para lang asarin sya. Pero ako lang ang laging naiinis dahil hindi ko man lang makitaan ng reaksyon ang gwapo nyang mukha. Robot ata ang hayop.

"Just leave Jyle Clarren. Leave us alone!"

Alam ko naman na gusto nya lang akong pakalmahin para hindi mag salubong ang galit namin ni Dad. Dahil iba magalit ito. Ibang -iba. Yung tipong kakalimutan kahit ang kadugo nya.

Pero hindi ako papaawat. Gusto kong makita ni Dad na seryoso at galit din ako. Ayokong matulad kay kuya. Ayoko.

Hindi ako makakapayag na pag dating sa ganoong aspeto ay didiktahan at papakialaman pa niya ko. Hindi ako tau- tauhan lang nya! Anak nya ko!

"Go to your room, Mikhael. We will talk some other time." sabi ni Dad na muling nagbasa ng mga documents na nakatambak sa mesa nya.

"Let's go." Hinigit ni Clarren ang braso ko para alalayan palabas pero hindi ako nagpatinag at iwinaksi ko ang kamay nya.

"No Clarren. Ikaw ang umalis hayaan mo kaming mag usap! Go!" Nanlilisik ang mata ko habang sinasabi yun sa kanya.

Yumuko lang sya at naghihintay ng signal ni Dad. Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko. Si Clarren yan eh.

Napangiti nalang ako ng mapait. Matagal ko ng pansin yun pero hindi lang ako kumikibo at sa tuwing naiisip ko yun lalo lang ngayon nadaragdagan ang galit ko sa aking ama na alam kong hindi dapat.

Si Jyle. Sya ang anak na hinahanap nya na wala sa amin. Sa akin. Anak na hindi nya makita sa akin. Na kahit anong gawin at pilit kong maging perpekto sa mga mata ni Dad. Its still Jyle.

"Enough Dice Mikhael! And yes you will marry the second son of Escalche. And that's final!" bumagsak pa ang swivel chair nito ng marahas itong tumayo at galit na hinampas ang mesa.

Underground OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon