3 A REAPER'S KISS

0 0 0
                                    

Katana Dice Yzuko


Marahas kong ibinagsak ang katawan ko sa kutson na inilatag ko sa sahig. Inilabas ko mula sa bulsa ang singsing na naiwan nila Drew kanina at pinakatitigan. Di ko tuloy maiwasang balikan sa aking alaala ang nangyari kanina bago ako umuwi galing trabaho.

"What do you want babe?... Yeah I'll  be there. .. No no i'll come on time promise... "

Sampung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin matapos-tapos ang matandang hukluban na ito sa pakikipag-usap nya sa cellphone nya. Nabuburyo na akong magtago dahil kanina pa ako dito naghihintay sa madilim nyang terrace.

"You must wear that G-string... I'm looking forward to it.... Damn I miss licking your t.. ."

Bago pa ako makarinig ng mga nakakahindik na salita ay itinutok ko na ang dulo ng katana ko sa gilid  ng leeg nya. Maling kilos nya lang ay madededo sya ng wala sa oras. Natigilan naman ito at saka dumiritso ng tayo.

Gamit ang katana ko ay tinabig ko ang cellphone nya palayo kaya nahulog ito pababa ng beranda.

"Makapag libog ka pa kaya pag pinutulan kita ngayon?"

"Sino ka? Kaninong Reaper ka? Sinong mafia nagpadala sayo?" kalmadong tanong nya sa akin pero alam kong kabaliktaran iyon ng nararamdaman nya ngayon dahil patunay ang nakakuyom nyang kamao.

Lumakad ako ng paabante na hindi inaalis sa leeg nya ang katanang hawak ko. Ng tuluyan na kaming magkaharap ay saka ko hinila paalis ang maskarang nakatabing sa mukha ko.

"Miss me?" nginisihan ko sya ng may pang uuyam.

"You?! But how? I thought you're dead?"

"Yeah, Im already dead." inikutan ko sya ng mata. "Sinusundo lang talaga kita."

Bagamat saglit lang iyon ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pagdaan ng takot sa mga mata nya.

"So nagpaka reaper ka para lang gantihan at patayin ako?"

Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa katana kaya bumaon ang talim nito sa leeg nya na nagdulot  sa pagdaloy ng sariwa nyang dugo. "Kahit pa ibenta ko ang kaluluwa ko sa impyerno ay gagawin ko mapatay ko lang kayong lima."

Bago ko pa tuluyang mailaslas ang katana para lagutan sya ng hininga ay nahawakan nya na ang talim non at naiwaksi ito palayo sa leeg nya. Napaatras ako ng isang hakbang pero agad ko ding nabawi ang timbang ko. Ng muli kong tignan ang direksyon nya ay may paparating ng kamao sa mukha ko pero dahil mas mabilis ako ay nahawakan ko iyon at napigilan. Babawiin nya sana iyon pero pinilipit ko na sya sa likod at isinalya sya paharap sa pader.

"Don't kill me, please. I was just following order from him. Please i beg you."

Mas idiniin ko pa sya lalo sa pader. "Then tell me where the hell is he?"

Pero bago pa man may lumabas na salita sa nakabuka nyang bibig ay naramdaman ko nalang ang pagtalsik ng mainit na dugo sa mukha ko at ang pamilyar na sakit mula sa pagkakapunit ng balat.

"Damn it." Lumingon ako sa likod namin kung saan naka pwesto ang nag snipe sa taong hawak ko.

Agad ko naman binitawan ang ngayong wala ng buhay na katawan ni Aguirre. Butas ang kaliwang likod nito kung saan tumama ang bala diritso sa puso nito at dahil kalevel niyon ang balikat ko ay nadaplisan din ako ng bala.

Ng muli kong lingunin ang sniper ay nag mamadali na itong makatakas.

Tinalon ko ang ikalawang palapag ng bahay na iyon saka nag safe landing. Maingat din akong lumambitin sa pader ng gate saka tumawid sa kabilang bahay pero hindi ko na din pa nakita ni anino ng sniper.


Underground OathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon