Katana Dice Yzuko
Pagpasok ko palang ng gate ng University naramdaman ko na agad ang kakaibang singaw ng hangin na nagmumula sa loob ng school.
Napangisi ako. Wala na. Sira na talaga ang tahimik kong buhay rito. Sayang lang akala ko dito na ako ga graduate.
At gaya nga ng inaasahan ko nangyari na nga ang akala ko sa high school lang nauuso.
Bullying.
Ng makarating ako sa hallway ng builduing sa sunod kong klase ay may bumanga sa akin. Hindi lang isa. Mga SAMPU lang naman. Para silang mga tanga nakapila pa. Sus, mga weak naman akala mo ay hangin lang ang dumadaan sa akin eh. Pero kailangan kong magkunwari na lampa at ng matapos na ang drama nila sa buhay. Sakit nga lang sa pwet.
Ng makarating ako sa dulo ng hallway at ng lumiko ako ay may pangahas na nagbuhos ng isang timbang tubig sa akin mula sa hagdan ng second floor. Di pa nasayahan pati timba tinapon na rin sa akin.
"Oopss. Sorry. Nadulas." sabi ng alagad ni Amanda saka sila nagtawanan ng mga kasama nya.
Pinatid. Tinulak. Binabato ng kung anu- ano kapag nakatalikod. Nilalait. Sinaktan. Lahat na ata ng uri ng pambu bully ay ginawa na nila sa akin.
Lahat ng yun ay pinabayaan ko lang. Di na ako gumanti pa. Para ano pa? Aksaya lang sila sa oras at lakas ko. Bukod pa doon masyado silang mahina para sa akin kung papatulan ko pa sila. Magsasawa rin sa akin ang mga yan.
Sa nyebeng isip-bata lang naman ako natutuwang lumaban dahil sa ang sarap nyang pikunin.
"Ikaw na pala ngayon ang bagong laruan ng Campus." habang paika-ika akong naglalakad sa kalagitnaan ng field ay may humarang sa akin na babae. Maganda. Sexy. Kaya nga lang ay nagsusumigaw ang salitang pula mula ulo hanggang paa nya. Anong trip mo te? Nasa commercial ka ba ng Maxx Candy?
"Hindi bat si Red Rose yan? Anong ginagawa nya rito." usisera number 1.
"Red Rose? Sya ba yung pumalit na Queen sa Gangster World simula ng mamatay yung dating Queen?" usi 2.
"Sya nga yan. Hah! Patay ka talaga ngayon Nerd. At si Red Rose na mismo ang kakastigo sayo." usi 3.
"Noong una wala akong pakialam pero ng malaman ko ang dahilan kung bakit ka nila binubully gusto ko na ring makisali sa laro ninyo. Welcome pa ba ako?" mula sa likuran ni Red Rose ay naglabas sya ng mahabang latigo. Makapal at napapalibutan ng maraming tinik ang katawan nito. "Come here baby girl palalasapin kita ng baby ko pero kung magmamakaawa ka at luluhod sa harap ko at ni Killuah babe I'll spare your life."
So sya pala ang dyowa ng lalaking nyebe na yun?
"Bakla ba yang si Killuah kaya nabahag ang buntot at ikaw ang pinadala nya para gantihan ako?"
Singhapan.
"What the red! Sino ka para tawaging bakla ang babe ko?!"
Pati pagmumura kailangan may pula din? -_-
Sasagot na sana ako ng bigla nyang hatawin paabante ang latigo nya patungo sa direksyon ko.
Pasimple lang akong umurong para umilag. Humampas ang dulo niyon sa lupa na nagdulot ng pagkakatanggal ng mga damo at pag angat ng alikabok sa hangin. Pero ang bruha hindi pa nakuntento sa latigo nya at naglabas pa ng maraming kunai saka itinapon sa akin.
Pero imbes na umilag sa parating ng mga kunai ay sinalo ko lahat ng yon ng isang kamay lang at saka ko binato pabalik ang mga iyon sa kanya na inilagan nya pero may isang nakalusot.
BINABASA MO ANG
Underground Oath
Teen FictionMga sekretong nakapaloob sa isang sekreto.. At Mga kasinungalingan nakapaloob sa isang kasinungalingan.