A R I A . S .
"Oh wow! It's been months since the last time I saw you, darling. You've gotten prettier!"
Ang hirap maging maganda.
"Ah, haha, thank you Grandma," sabi ko at tinulungan siyang pumasok. Ako kumuha ng bagahe niya at ipinasok ito sa loob. Si kuya ay nasa kusina, naghahanda ng makakain and si Brielle naman, well, nasa taas ng hagdan. Nagtatago ang gaga eh kita ko naman.
'Halika rito,' mahinang sabi ko pero naintindihan niya naman dahil sumagot ito.
'Ayaw, nahihiya ako.'
'Ngayon ka pa mahihiya eh andito na.'
'Ih, hindi ko kaya.'
"Omg Brielle darling, is that you?!" napatingin naman ako kay grandma Helga dahil sa pagsasalita niya. Nakatingin ito kay Brielle na nakangiti ng pilit habang bumababa ng hagdan. Pfft.
Sino ba namang hindi magmumukhang ewan kung kaharap mo kapamilya ng ex mo? Tapos ang bait pa sayo kahit gano'n. Tsk.
"G-Good morning p-po... G-Grandma..."
Sinong kausap niya? Sahig? Also, 1:30 na kaya ng hapon. Anong "good morning" ang pinagsasasabi nito?
"Owuuuu," ay wolf. Bineso niya si Brielle na nakayuko pa 'din. "Ang gaganda ng lahi! Halata ang pagiging Skye! Nga pala, where's your Kuya?"
As if on cue, dumating ang demonyo— I mean, si Kuya Kyle. "Hello Grandma."
Binati nila ang isa't isa bago ihatid si Grandma Helga sa guest room. Habang hinihintay namin sila bumaba, hinahanda namin sa lamesa ang niluto ni kuya. Ngayon pa lang kasi kami maglulunch dahil kakatapos lang namin maglinis kaninang 12:00. Ayaw kasi ni Grandma ng makalat. Speaking of makalat...
"Sana aware ka na umaapaw na 'yang tubig sa baso," and nahimasmasan naman ang loka nang marinig ako. Agad niyang ibinaba ang pitsel at kumuha ng pamunas. Rinig ko ang pagmumura nito ng mahina habang pinupunasan ang natapong tubig.
"Wake up to your senses, Ryle. 'Wag kang umakto ng ganiyan lalo na't abo't kamay lang natin si Grandma."
"Jusko! Ang hirap kaya! Presence niya palang bumibigay na ako!" pagmamaktol niya.
"Mahigit one year na kayong break ni E—"
"HEP HEP!" hooray? "DON'T SAY BAD WORDS!"
Sabi ko nga tatahimik na.
"Ok, I'm out. May aasikasuhin pa ako."
"Like what? Counting some stupid medicines—"
"Oh shut up," I said and glared at her.
"I'm just joking, Baby A, don't take it seriously."
Yeah. Hope so.
—"|
"Pagkalapag ng private plane sa Coventry, didiretso muna tayo sa hotel. After that, we'll go to Dr. Ackford's clinic for your check-up then sa hospital ni Dr. Torsney para makapag-run ng test sayo. Punta na tayo sa bahay pagkatapos ng lahat ng 'yon, ipapasunod ko nalang 'yung mga luggage na maiiwan sa hotel. Naiintindihan mo ba Aria?"
Yes, I understood it clearly. Dahil ba malinaw? No. It's because ganito lagi ang plans namin sa tuwing pupunta ng England. Nalimot ba ni Grandma Helga na ilang beses na niyang sinabi sa akin 'yan?
Tumango ako sa kaniya at nginitian naman ako nito. She stood up and grab a book from my bookshelf. Pinagmasdan ko ito.
Grandma Helga is an incomparable person. She is second to none and a strong woman despite her being an 83 years old.
What's my relationship with her? Nothing.
Ninang siya ni mama and sobrang close nilang dalawa. She's the reason why I met Elyze and kuya Eliezer. Great grandmother nila si Grandma Helga. She's living in Coventry, England and it's Elyze and kuya Eliezer's second home.
Mabait ang pamilya nila at handang-handa kaming tulungan kahit saan. Pero ang pag-interfere sa past relationship nila Brielle at Eliezer? Ibang usapan na 'yon, haha.
"Grandma," tawag ko rito. She closed the book she's reading and approached me.
"What is it darling?"
"Uhmm, why are you doing this?" tinaas niya ang kilay nito kaya nilinaw ko ang tanong ko. "I mean yeah, you're mama's godmother but why are you involving yourself in my problem?"
"Because your mother can't."
"But—"
"Aria," I closed my mouth when I sensed a scary aura in her tone. No one would want to talk back to her with that tone. No one.
She sighed before continuing. "Hindi mo ba natatandaan? Ilang beses ka nang pinagamot ng mama mo rito sa Pilipinas."
"Gumaling naman po ako—"
"Oo gumaling ka, noon. Pero tignan mo't bumalik 'yang sakit mo ngayon. At anong ginawa ng mama mo? Hindi na kinaya at inasa ka sa akin. We both agreed na sa England itutuloy 'yang medication mo. So just focus on what will be good on you. Stop thinking about why I'm doing this because that's not the important part here."
Bakit kasi hindi nalang ako tinuluyan no'n.

BINABASA MO ANG
The Dyad's Dance ' ep.1 || ON GOING
Romantik₍ 📣 ₎ synopsis "You will pay for this!" "Sorry na nga, 'e!" ↬A story in which ; the student council's president accidentaly spilled some hot coffee into the principal's son. ↬full moon high epistolary 📁i. mysticyangiel↫ - {☕.}