3 RD . P E R S O N ' S .
"Ryu! I told you not to go outside, diba? Tignan mo oh, umaambon-ambon."
"Sasaglit lang po ako, mama!"
"Ryu, 'wag nang pasaway. Hindi maganda ang panahon ngayon. Baka mamaya magkasakit ka pagbalik mo sa Manila."
Napabuntong hininga nalang ang bata at pasalampak na umupo sa kanilang sofa. Umiling nalang ang kaniyang ama. Hinawi niya ang bintana at nakasimangot na pinagmasdan ang labas ng kanilang bahay. Tama naman kasi ang kaniyang ina, hindi maganda ang panahon ngayon kahit na summer season naman. Kanina ay ambon lang, ngayon naman ay ulan na.
He stopped cursing the rain when he noticed someone standing in the middle of the road.
"Dad, look," Ryu called his dad. His father stood up and looked over the window.
"What's she doing? Ang lakas ng ulan."
"Anong nangyayari?" His mom asked and went over them. "Hala, baka magkasakit siya."
Lumabas ang kaniyang ina na sinundan naman ng dalawa. Nanatiling nakatayo si Ryu sa kanilang pintuan habang inaalalayan ng kaniyang mga magulang ang batang pumasok sa kanilang bahay.
"Ano bang ginagawa mong bata ka?" His mom made the girl sit down on the wooden chair and went upstairs to get a dry towel.
Ryu was left in the living room with his dad and the girl. His dad is asking the girl different questions like what is her name, where she lives, et cetera, et cetera. He went over the kitchen counter and grabbed a mug.
Napahinto siya sa pagkuha ng gatas. "Huh? Bakit ko siya tinitimplahan?"
"Pst," napalingon siya sa tumawag sa kaniya. It was his mother, giving him the 'just-do-it' look. Ryu nodded and quickly poured hot water.
"Hon, ayaw niyang sabihin ang pangalan niya."
"Sabi po kasi ni Kuya, I shouldn't trust strangers," the girl said while smiling. Ryu's parents just laughed while he rolled his eyes and gave the hot milk to the girl.
Nakatingin lang ang babae sa kaniya. Napataas ang kilay ni Ryu nang isang minuto na ang lumipas pero nakatitig pa rin ito sa kaniya at hindi man lang ginagalaw ang gatas na nasa harapan nito.
"What? Sabi rin ba ng Kuya mo na 'wag kang iinom ng gatas na bigay sayo ng mga taong tumulong sayo?" Masungit niyang tanong.
"Ryu."
"Ang pogi mo naman."
Nanlaki ang mata nilang lahat sa sinabi ng babae. Namumulang tumalikod si Ryu sa kanila nang marining niyang tumawa ang kaniyang mga magulang.
"Napa ka-straight forward mo naman bata."
"Anong sasabihin mo, Ryu?"
He quickly sat on the sofa and turned on the TV. One hour passed and the girl was still in their house, happily talking to the adults.
"So ano bang pangalan mo?"
"Mrs. Smith, pang-ilang beses niyo na pong tinanong yan at iisa lang po ang sinasagot ko."
"Hindi naman na kami strangers, ha," Ryu interfered. The girl looked at him and smiled.
"Call me 'pretty' nalang," she winked at him. He blushed and looked away.
"Naku! Ang babata niyo palang kinikilig-kilig na kayo," the dad laughed.
The girl is already dry, thanks to Mrs. Smith's towel and Ryu's old clothes. They are still in the living room as they wait for the rain to stop. Para na rin mahatid ang batang babae kung saan man siya nakatira.

BINABASA MO ANG
The Dyad's Dance ' ep.1 || ON GOING
Romance₍ 📣 ₎ synopsis "You will pay for this!" "Sorry na nga, 'e!" ↬A story in which ; the student council's president accidentaly spilled some hot coffee into the principal's son. ↬full moon high epistolary 📁i. mysticyangiel↫ - {☕.}