Gwapong Tindero ll

2 1 0
                                    

"Inna! Inna! Gising dyan, may naghahanap sayo!" naalimpunga ako sa gumising sa akin sa labas ng kwarto ko.

'ano ba yan! Gusto ko pang matulog ng matagal ih!'

Bumangon ako at binuksan ang pintuan, nakita ko naman si mama na naiirita. "Kanina pa ako gising ng gising sayo Inna, ano ka bang bata ka! Mag'bihis ka na nga, yung maayos Inna! Bilisan mo at sumunod ka na lang doon sa bahay nilang Aling Elda." saad niti at tinalikuran na'ko.

'ayy sheeyyt! doon nga pala ako maghahapunan sa kanila, argghh kairita!'

Napatingin nmn ako sa wristwatch ko, 'amp 7:30 pm na.'

Kumaripaa na ako ng takbo sa banyo at naghilamos, at nag-toothbrush na din tsaka pumunta sa closet ko at namili ng maayos na masusuot.

'teka, ano nga ba ang isusuot ko? arrghh! pati ba naman toh! kung mag-dress na lang kaya ako? ayy wag grabe nmn na yun, uhmm magsusuot na lang ako ng loose t-shirt at shorts.'

Kumuha ako ng pink na loose t-shirt ko at short at pumunta na sa banyo para mag-bihis.

Pagkatapos ko magbihis kinuha ko yung white flat shoes ko at bumaba na

"Ma, aalis na po ako!" saad ko dito pero di pa ako nakakabukas ng pinto ay tinawag ako nito. "Hep! Hep! tignan mo nga yang itsura mo Inna, sabi ko mag'ayos ka, lumapit ka nga dito."

'ano namang problema nito sa suot ko at sa ayos ko? mukha pa din naman akong tao dzuhhh'

"Umupo ka dito." saad ni mama at inumpisahang suklayin ang buhok ko. 'nakalimutan kong mag'suklay amp -.-'

"Inna, abutin mo yung taling nasa gilid mo, akina." kinuha ko naman yung black na tali na nasa gilid ko at inabot sa kaniya. Hinintay ko na lang siyang matapos sa pagtatali niya sa buhok ko.

"Oh ayan, bagay na dyan sa suot mo Inna." saad nito at ngumiti, napatingin naman ako sa salamin at namangha na lang ako sa galing ng pagkakatali sa buhok ni mama sa akin.

It's a messy bun, simple but wonderful. Napangiti na lang ako kay mama.

"Thanks ma, pero kailangan ko ng umalis."

"Wait nak, lagyan natin ng unting tint yan lips mo para di nmn masyadong maputla yan." nilagyan niya ng tint ang lips pagkatapos ay inayos na ang hibla mg buhok ko. Di na ako nagabalang tignan ang sarili ko sa salamin at lumabas na ng bahay.

---

Mabilis na lakad din ang ginawa ko dahil 8:09 na. Di pa ako nakakalapit sa bahay nila Aling Elda ay nakita ko na si Christina.

"Christina! Oyy!" sigaw ko dito at patakbong lumapit sa kaniya. Hingal hingal naman akong tumigil sa harapan niya at hinawakan siya sa braso.

"Oh Inna, bat ka ba tumatakbo huh? Ikaw talaga, gusto mo atang makakita ng one punch girl ngayon." natawa na lamang ako pagkasabi niya nun.

"Pupunta ka din kila Aling Elda?"

"Oo, pinapunta niya ako. Nakauwi na daw kasi si Gio galing siyudad."

"Ah oo, sabay na lang tayo papunta doon Tina" saad ko at ngumiti naman siya at tumango.

---

"Tao po, Aling Elda nandito na po kami ni Inna." katok ni Tina sa pintuan nila Aling Elda ng makarating kami sa bahay nila.

"Nandito na pala kayo mga Hija, dali pasok kayo, tamang tama kakatapos ko lang din magluto ng hapunan, masarap pa ito dahil mainit pa." saad niya at ngumiti sa amin, ngumiti din kami pabalik sa kaniya at pumasok na.

Wala pa ring pinagbago ang malaking bahay nila Aling Elda, pero maganda pa rin. Mayaman ang pamilya ni Gio at ang mga magulang nito ay nasa labas ng bansa, nagha'handle ng business. Pero kahit ganun, sa pagkakakilala ko kay Gio hindi siya hayok sa pera ng pamilya niya.

"Inna, ikaw na ba yan?" naagaw ang pansin ko ng may tumawag sa akin, napatingin naman ako dito. Isang mestisong lalaking nakaharap sa akin, pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala.

"Uhm yes, and you are?"

"I guess di mo ako nakikilala."

'obvious naman ih duhhh'

"Hi, it's me Patrick Pereira. Nice seeing you again my Nana." ngiting saad nito at pinat ang ulo ko.

Patrick? Geez, si Patpat! Siya nga, ang laki na ng pinagbago niya, dati nakasuot pa to ng malaking eyeglasses na nagmukhang nerd pero ngayom, grabe!

"Patpat! Ikaw nga! HAHAHA I miss you na, laki na ng pinagbago mo ah!" saad ko at hinawi ang buhok niya. Wow ah, ang lambot.

"Ikaw din naman Nana, dalagang dalaga ka na, I wonder kung lahat ng mga binata dito eh nahawi mo na HAHAHA"

"Ngiiii, ewan ko sayo. Oh by the way, Patpat meet Christina, Tina meet Patrick" ngiti kong saad ng mapansing na out of place si Tina

"Hi, nice to meet you Christina." nakangiting saad ni Patpat at iginayad ang kamay nito.

"Nice to meey you din Patrick, Tina na lang." ngiti ni Tina at tinanggap ang pakikipagkamay ni Patpat.

'hmmm, I smell isda'y"

"Mga anak, dito na kayo. Hintayin niyo na lang si Gio, bababa na din yun."

Pumunta na kaming tatlo sa dining room nila at umupo na sa upuan, tumabi ako kay Tina at si Patpat naman ay umupo sa harap ni Tina.

Ng makita ko ang mga putahe halos lumawa na mga mata ko, halos lahat nito ay mga paborito ko. Kumuha ako ng kutsara at sasandok na sana ng sabaw dun sa paborito ko ng may nagsalita...

"Hindi makapaghintay Miss, atat na atat?"

Napatigil naman ako at bigla na lang kumulo dugo ko ng makilala ko ang boses na yun...

Childhood to Lovers [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon