V

46 1 3
                                    


AUREA POV

Maaga kami nagising ni Samantha para ayusin ang backpack na gagamitin namin para sa camping slash hiking namin mamaya. After lunch kami aalis at hindi naman namin agad naayos ang mga gagamitin namin kagabi dahil late na kaming nakatulog dahil sa pag kukwentuhan at hindi namin namalayan ang oras.

Sa ilang araw na naming pag i-stay dito. Mas lalo kaming napalapit kay Tito Franz, Theo at Laure--nope. Kay Tito Franz at Theo lang pala dahil masyadong mailap saamin si Laureen. Always siyang nasa loob ng kwarto o di kaya lalabas siya pero hindi kami papansinin. Hindi ko alam kung anong problema niya. Na sobrahan yata sa pagiging introvert at wala ng ibang alam kausapin kundi si Tito Franz at Theo lang. No wonder kung bakit wala itong kaibigan. Duh.


"excited na ako mamaya. Mabuti nalang at pinahiram saakin ni Jacob itong cellphone niya at may pang take ako ng pictures mamaya, kahit walang tigil sa pag tetext at tawag yung mga babae niya dito" napatingin ako kay Samantha dahil sa sinabi niya at mahinang natawa. Sinarado ko muna ang zipper sa back pack na gagamitin ko bago nagsalita.

"Sus. Kunwari kapa, bakit kasi hindi mo nalang sagutin si Jacob para mabawalan mo siya na mambabae ah?" biro ko dahilan para lakihan niya ako ng mata.
"sagutin?! Bakit? Nanliligaw ba siya? Tyaka paki alam ko sa mga babae niya e text mate lang naman niya--" ako naman ang natawa dahil sa naging reaksyon niya.
"so.. Kung manliligaw siya, sasagutin mo siya??" seryoso ko siyang tinignan.
"Oo--i mean Hindi. Duh. Bakit ko siya gagawing boyfriend eh ang dami niya ng naging girlfriend sa university noon no. Ayokong mapabilang sa mga yon" ngumiti ako at tumango tango. Psh. Ayaw pa umamin eh pumayag nga sa dare nila noon.


"teka, bakit ka nakangiti?! Ano iniisip mo? Aurea ah! Makinig ka saakin. Hindi ko gusto si Jacob!" hiyaw niya at sinundan ako ng tingin ng tumayo na ako.
"why so affected? Wala pa naman akong sinasabi na gusto mo siya e" inis niya akong tinignan at tumayo pa sa harapan ko.
"ako? Affected? Saan? Kilala kita, alam ko iniisip--" hindi niya na natuloy ng itapat ko sa mga labi niya ang hintuturo ko.
"shh.. Oo na. Hindi mo na siya gusto. Wag kana maingay. Pwede?! Lumabas na tayo.." natawa ako ng inirapan niya ako at nauna ng lumabas ng pinto. Napailing ako bago siya sinundan.


"Sam. Wait!" natatawa ko pa ding saad at mabilis na yumakap sa braso niya ng mahabol ko siya.


"nakakainis ka" bulong niya kaya ngumiti ako at hinigpitan pa ang pagkayakap sa braso niya. Magsasalita na sana ako ng makasalubong namin si Theo na mukhang pababa na din ng hagdan.


"Hey. Good morning, ready naba kayo para mamaya?" nakangiti niyang tanong saamin at sinabayan kami sa pag baba.
"yep. Ready na ang mga gagamitin namin" sagot ko at nag thumbs-up pa sakaniya.
"good. Siguradong mag eenjoy tayo doon. Usually kasi kami lang dalawa ni Laureen ang nag hihiking and first time namin na may makakasama" tumango ako dahil sa sinabi ni Theo.
"talaga? Pero feeling ko hindi pa din okay kay Laureen na kasama kami sa lakad niyo" binangga ko ang braso ni Samantha dahil sa sinabi niya. Taka niya akong tinignan at sinamaan ko naman siya ng tingin.


"don't mind her. Ganun lang talaga yon, hindi kasi talaga siya sanay na may ibang kasama maliban saakin." seryoso ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
"siguro close talaga kayong dalawa, simula ba ng mga bata kayo, magkasama na kayong dalawa?" tanong ko naman dahil ganon kami nina Xian sa isa't isa. Simula maliliit kami, magkakasama na kami.

"nope. We're just met 5 years ago. Pero si Tito Franz, matagal ko na siyang kilala. Nung una ko ngang nakita si Laureen hindi ko inakala na si Tito Franz pala ang dad niya-" sabi niya hanggang sa makapunta kami dito sa may balcony kung nasaan sina Xian at Jacob.


"Laureen!" nabilis kaming napatingin sa gawi ni Laureen na papasok yata sa dining room. Tumingin siya saamin at agad namang lumapit sakaniya si Theo kaya lumapit nalang kami ni Samantha kila Jacob na nakaupo sa rounded table na nasa balcony at mukhang kumakain ng almusal.



TURN BACK TIME (on going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon