VI

65 3 3
                                    


AUREA POV

"how's your sprained? Does it still hurt?" napaangat ako ng tingin kay Laureen ng bigla siyang pumasok dito sa loob ng tent at lumapit saakin.

Simula ng aksedente kanina, hindi na ako lumabas ng tent at hinayaan nalang sila doon sa labas. Nakakahiya naman at pakiramdam ko ay pabigat lang ako sakanila dahil sa nangyari. Lalo na kay Theo. Mabuti at hindi nagalit si Laureen dahil sa nakita niya at mukhang nag aalala pa nga siya saakin.

"hindi na masyado" tipid ko namang sagot bago bitawan ang ice bag na hawak ko. Seryoso ko siyang tinignan ng umupo siya sa tabi ko at may kung anong bagay na pinakita saakin.
"lagyan natin ng oitment ang paa mo para mabawasan ang pamamaga" hindi ako sumagot at hinayaan siya na mag lagay ng oitment doon sa paa ko.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya.

"B-Bakit mo to' ginagawa?" out of the blue na tanong ko. Sandali siyang huminto at ngumisi saakin bago ituloy ang ginagawa niya.
"why? Bawal ba?" tanong nito at ngumiti. Lalo naman akong sumeryoso. Mukhang alam ko na kung bakit niya to ginagawa.
"don't worry, hindi ko ipagsasabi ang nakita ko kanina. Hindi mo kailangan gawin yan." ilalayo ko na sana ang paa ko sakaniya ng pigilan niya ako.

"Mali yang iniisip mo. Ipag sabi mo man ang bagay na nakita mo kanina o hindi. Wala na akong pakialam doon. Totoo naman e, bakit ko pa idedeny?!" sagot niya at agad ng tumayo at lumabas ng tent.

Hindi ko inalis sa pinto ng tent ang tingin ko hanggang sa tuluyan niya na yong isara.

So bakit mukhang worried siya saakin? Bakit niya to ginawa?!

May part saakin na gusto pang makilala at malaman ang buong pagkatao ni Laureen pero may parte din saakin na natatakot malaman ang tunay niyang ugali. Dahil ngayon pa lang, alam ko na na madami pa siyang kayang gawin na hindi ko aakalain na magagawa niya dahil sa maamo niyang mukha.

"Aurea" nabalik ako sa realidad ng bumukas uli ang pinto ng tent at pumasok si Xian.

"Oh, Xian" sagot ko at tumayo nang kaagad niya naman akong inalalayan.
"nakita ko na galing dito si Laureen. Anong ginawa niya sayo?" ngumiti ako kay Xian bago sumagot.
"nilagyan niya lang ng ointment itong paa ko. Anyway, ready na ba ang bonfire sa labas?" tanong ko at inaayos na ang sarili ko dahil ilang oras din akong nakakulong lang dito at nagpahinga.
"yep. Kanina kapa namin hinihintay na lumabas." sagot naman niya at tuluyan na kaming lumabas. Madilim na pala at sobrang lamig ng buong paligid.

"Hey Aurea. Bakit ngayon ka lang lumabas?!" tanong ni Sam sabay abot saakin ng marshmallow na nakatusok sa isang stick. Ngumiti naman ako at tinapat yon sa apoy.
"nakatulog ako kanina sa tent--" sagot ko naman at napatingin uli sakaniya ng muli siyang magsalita.
"yung paa mo? Okay na ba?" dagdag pa niya.
"oo, hindi na masyado masakit" sabi ko at tumango naman.

"You are really good at this. Fine. You win... Again." napatingin ako kay Theo at Jacob na busy sa pag lalaro ng baraha na hawak nila. Ano naman kayang klasing laro yun?
"Sus. Mandaraya talaga yang si Jacob. Wag mo nalang siya patulan Theo" sabat naman sakanila ni Sam na ikinatawa ko. Totoong magaling mag laro si Jacob ng mga cards. Kahit anung klasing card game pa yan kaya niyang ipanalo. At dahil hindi makapaniwala sa bagay na yon, si Samantha. Palagi niyang sinasabihan si Jacob na mandaraya.

"Shut up. Sa UNO palang tiklop kana saakin okay?!" lalo akong natawa dahil sa sinabi ni Jacob. At mabilis ko namang pinigilan ni Samantha ng bigla itong tumayo at akmang babatukan nanaman si Jacob.

"Sam. Laro lang yan. Anyway, ano yung next game na lalaruin natin? Para hindi naman boring" pag iiba ko nalang sa usapan at nakahinga ako ng maluwag ng muling umupo si Sam sa tabi ko at may pinakitang fish bowl saakin na may lamang mga papel sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TURN BACK TIME (on going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon