Part 1

0 0 0
                                    

Sa kalagitnaan ng kagubatan ,may isang kubo ang makikita na tila pang karaniwan ang laki at ordinaryo. Ngunit kung papasukin mo ang loob nito, mapapansin mo ang lawak at ganda nito ,di mo aakalain na isang kubo sa labas.

Isang dalagita ang makikita mong naka kalumbaba sa may mesa na tila mo nagmumuni - muni.
" Panahon na para umalis ako sa lugar na to. Baka  sakaling mahanap ko ang aking pagkatao kung maglalabay ako" saad ni Mayanah sa sarili.

3 taon ng naninirahan si Mayanah sa kagubatan , nagising na lang sya na nakahiga sa isang papag sa kubo. Wala syang maalala maliban sa kanyang pangalan. Nung una sinubukan nyang umalis at maglakbay. Pero sa kasamaang palad paikot ikot lang sya sa kagubatan at laging namamali ang kanyang direction. Sa bandang huli natanggap nya sa kanyang sarili na mahina sya sa pagdating sa direction.

" Master,Master na dyan po ba kayo" isang tinig ang maririnig mo na tila takot na tumatawag sa labas ng pinto ng kubo.

Naputol ang pagmumuni muni ni Mayanah ng marinig niya ang boses ng isang demon Lion.
"Pasok ka". Sagot ni Mayanah

Tila namang nanginig sa takot ang demon lion ng marinig nya ang boses ni Mayanah. Dali dali syang pumasok sa loob ng kubo at lumuhod sa harap ng dalagita. " master, nabalitaan ko po  na nagbabalak kayong  maglakbay kaya namang naisip ko po na baka magutom kayo sa daan. Kaya naghanda ako na mababaon ninyong pagkain."

"Nag abala ka pa lion, pero sige tatanggapin ko . Ano ba ang dala mo"? Saad ni Mayanah habang sinisipat nya ang dalang maliit na supot ng demon lion.

"Master, nagdala po ako ng magandang klase ng ginuntuang ginseng, mga lilang  lotus at  maraming prutas ng enkan." Sabay abot ng munting supot kay Mayanah.
Ang munting supot na naglalaman ng mahiwagang ginuntuang ginseng ng demon clan ,lilang lotus ng mermaid clan, at ang prutas ng Enkan ng mga Fairy clan. Ay mga immortal food na ito ay pangkaraniwang kinakain ni Mayanah sa kagubatan.

Kahit gustong gusto nya ng karne ,di nya magawang makakain. Dahil ang mga hayop sa kagubatan ay mga nabibilang sa ibat ibang Clan ng demon beast. Nung una malaya syang nakakain ng mga hayop sa kagubatan, gustong gusto nya itong iniihaw.

Pero ng lumaon nag aklas ang lahat ng demon beast dahil sa isa isang pagkamatay ng kanilang kauri. Huli na nang mapagtanto nila nasi Mayanah ay may pambirang lakas. Halos maubos ang demon beast sa isang atake lamang ni Mayanah.

Kung kaya namang humingi sila ng tawad at nag makaawa kay Mayanah na sila na ang magbibigay ng pagkain sa kanya ,wag lang silang kainin ni Mayanah.
At kada maalala ni demon lion ang nakaraan ,na halos umubos sa lahi ng demon beast ay hindi maiwasang makaramdam sya ng takot at panlalambot ng tuhod kada makakaharap nya si Mayanah.

"Wala bang Karne?" Saad ni Mayanah habang sinisilip ang laman ng munting supot.

Nanlambot naman ang tuhod ni demon lion ng marinig nya ang boses ni Mayanah.
"Mass- ter, bukod po sa nasabi ko naglalaman din po iyan ng tubig ng nagbibigay sigla at ginto na gagamiting pambayad sa mga tao." Nauutal na sagot ng demon lion. Halos mangiyak ngiyak sya dahil sa nakikita nya sa mata ni Mayanah ang disgusto sa dala nya. Kung tutuusin lahat ng dala nya ay masasabing mahahalaga sa kani kanilang Clan at sa mga tao . Dahil nagbibigay ito nang pambihirang lakas at lunas .Pero para kay mayanah isa lamang itong nakakasawang pagkain.

"Sige sige na, tumayo ka na dyan. Pero maari bang habang wala ako ay pwede bang  tingnan tingnan mo ang bahay ko?" Saad ni Mayanah.

"Oo naman Master! Ako ng bahala sa bahay nyo! Maglalagay ako ng bantay dito. Kung gusto mo Master ay iuutos ko na ayusin at pagandahin din ang kubo nyo para sa pagbablik nyo maayos na at malaki ang iyong bahay". Saad ni demon lion

"Sige ikaw ng bahala "saad ni Mayanah.

"Sige po aalis na po ako at ipatatawag ko ang pinaka magagaling na gagawa ng bahay nyo" tuwang tuwang sabi ng demon lion. Masaya sya kapag nabibigyan nya ng pabor ang kanyang Master. Di sya nagkamaling nagdesisyon ng piliin nyang di  sumama sa pag aaklas noon kay Mayanah. Bunga nito, nanatiling ligtas ang kanyang clan .

Pag kaalis ng demon lion. Nagsimula ng mag impake si Mayanah .yung mga damit ng bigay sa kanya ng mermaid clan ay isinama nya sa munting supot na bigay sa kanya ng demon lion. Inilagay din nya ang mga mumunting bato o holen na bigay sa kanya ng fairy clan. Halos nangawit na sya sa kakalagay ng mga mumunting bato sa munting supot ,pero tila hindi mapuno puno ang lalagyan.
Sa bandang huli saka nya inilagay ang espada at ang kanyang pana at palaso.

      

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half BreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon