Chapter 24: Complicated Relationships (Part 2)

6.8K 119 24
                                    

Sorry super duper late ang UD. Kakatapos lang po ng midterm eh. :/ Sana po nanjan pa yung mga readers ko. :( Please please! Let me know if you’re still there. :( Bumababa na po ang votes ng TFA. :( I’m always expecting for 80 votes and up kasi natutuwa po ako at lalo akong naiinspire mag update. :( SHORT UD lang ito. Don’t expect too much. I’ll update again on monday. :*

 

Anyway, Enjoy Reading! :)

----------------------------------------------------*

3rd Person’s POV [Author’s Narration]

“Stephen..”

Humarap si Stephen kay Alysa nang marinig niya ang pagtawag nito. Seryoso ang mukha ni Alysa pero maya-maya’y ngumiti na din siya. Hawak nito ang isang papel na nagpapatunay ng kalagayan niya ngayon.

 

“I am 6 weeks pregnant!”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Alysa. “Ha? Magiging daddy na ko?!”

Nakangiting tumango si Alysa.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Stephen sa ibinalita ng asawa. Agad siyang tumakbo dito at niyakap ito, binuhat at inikot ng dalawang beses.

 

“Yes! Wooohooo!!!”

Hindi makapaniwala si Stephen na magiging daddy na siya. Ang pamilya nila ngayon ni Alysa, ay larawan na ng isang masayang pamilya.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay pinipilit niya pa din ang sarili niya na kalimutan ang kapatid. May mga oras at araw kasi na bigla nalang itong papasok sa isip niya. Pakiramdam niya nga ay mababaliw na siya pag naiisip niya ang kapatid. Dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa din matanggap ang kaduwagan niya, nang hindi niya natupad ang pangako niyang ipaglalaban niya ito.

Sa kabilang panig..

Masaya si Stephanie at Jarreus sa States. Naroon din ang kanyang mga kaibigan na sina Samantha, Alison at Nathan. Dito magbabakasyon ang tatlo upang mabantayan ang kalagayan ni Stephanie.

“Stephanie, here’s your crabs and mayonnaise!” Masayang sigaw ni Samantha. Napachuckle na lang si Steph sa turing sa kanya ng mga kaibigan, buntis na siya pero feeling niya ay bata pa din siya dahil sa ginagawang pag-aalaga ng mga kaibigan niya.

“Thank you.” Masayang sagot niya kay Samantha.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon