Chapter 23: Complicated Relationships

7.1K 110 22
                                    

Here’s the UD. Sorry if late. Loveyouall.

PS: Wala po ako sa mood. Pero may part na NAPAKAHABAAAAAAAA pero kailangang-kailangan niyon basahin. PLEASE.

----------------------------------------------------------*

3rd Person’s POV [Author’s Narration]

Ilang minute na din sigurong nakatulala si Stephen. Araw ngayon ng kasal niya. Present na present siya ngayon ngunit ang puso’t isip niya, nananatiling na kay Stephanie. Makailang-ulit niyang binasa ang sulat ni Stephanie na siyang nagpa-iyak sa kanya kagabi.

Kuya,

                   Hindi na siguro tama pang tawagin kitang ‘Stephen’ lang. Dahil kapatid kita, at kailangan kitang i-galang bilang kapatid ko. Sorry kung hindi na ako nagpapakita sayo, hindi ko pa kasi kayang harapin ka, kila Samantha ako pansamantalang nakituloy, nasa opisina ka siguro ngayon o di kaya’y kasama mo si Alysa habang sinusulat ko ito dito mismo sa loob ng kwarto mo. Tinaon ko talagang wala ka dito para makuha ko na ang lahat ng mga gamit ko dahil pagkatapos ng Graduation ko bukas ay didiretso na ako sa airport. Bukas na ang kasal mo, at Graduation ko bukas. Alam kong hindi ka na makakapunta sa Graduation ko at hindi na natin maitutuloy pa ang lahat ng mga plano natin, lahat ng mga pangarap ko.. Kuya, I just hope na, maging masaya ka sa kanya. Sana hindi ka niya saktan, sana maging maayos ang bubuuin mong pamilya. Kasi yung pamilyang pinapangarap nating dalawa, kahit kalian hindi na matutupad. Pero gayunpaman, asahan mo na, wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw.. Ikaw lang, Stephen.. Wala ng iba. Kahit hindi ka ibinigay ng Diyos, alam kong may dahilan Siya. At heto lang ang tatandaan mo. Ikaw lang ang mamahalin ko, hanggang sa kabilang mundo.. Mahal na mahal kita.. Best Wishes, kuya!

                                                                            - Stephanie

“Anak..”

Nabalik lang siya sa ulirat ng marinig niya ang boses ng ina. Agad niyang tiniklop ang sulat at tinago sa ilalim ng unan. Tila pareho silang nalulungkot sa araw na ito, ang kasal na ito ay para bang may paglalamayan sila. Miski si Margarita na kanilang ina ay nagulat din dahil akala nito ay buo na ang plano na tatakas sila ni Stephanie. Ngunit ngayon, wala na silang magagawa, tuluyan ng matatali ang pamilya nila sa mga Trejano.

“Are you ok?” Tanong nito. Umupo siya sa kama ni Stephen para tabihan ang anak.

“Yes, Ma. Lalabas na din po ako.” Stephen slightly smiled.

“Ok.” Wala ng ibang tanging nasabi si Margarita. Tumayo na siya at tinungo ang pinto. Naaawa siya para sa anak, alam niyang labag sa loob nito ang pagpapakasal kay Alysa, ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pinipilit ni Stephen ang sarili niya na gawin ito.

Nang bahagyang makalayo ay agad niyang tinawagan si Stephanie. Ayaw kasi ni Stephanie na pumunta sila sa Graduation. Alam na din ni Margarita na kasama ni Stephanie si Jarreus sa America. Ngunit hindi pa nito alam na buntis na si Stephanie.

“Stephanie, anak..”

[Mama..]

“Kamusta na? Nakaakyat ka na ba ng stage?”

[Hindi pa po. Mamaya pa po ako.]

Kapansin-pansin sa pag-uusap nila ang katamlayan sa kanilang mga boses. Gusto na ding maiyak ni Stephanie sa kabilang linya, pero pinipigilan niya dahil siguradong magagalit na naman si Alison sa kanya.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon