Chapter 2

207 9 0
                                    


Chapter 2

"Let's all welcome Mr. Frost Gambles and Ms. Paige Santillan!

Umulan ang malakas at masigabong palakpakan nang umakyat sa stage ang mag-nobyo. Nakangiting naupo ang mga ito sa love seat na nasa gitna. Naroon ang magkabilang panig ng pamilyang Gambles at Santillan. Parehong prominente at may iniingatang pangalan. Kapwa abot tainga ang mga ngiti sa labi. Tila hindi na makapaghintay na maikasal ang dalawa at mag-merge ang parehong kilalang angkan.

Tinungga ni Kaleb ang basong hawak niya na may lamang whiskey pagkatapos ay inilapag niya iyon sa table at naiinip na sumulyap sa pambisig na relo. He was invited tonight by his friend Frost. Engagement announcement nito. At inip na inip na siya. Kung hindi nga lang siya kinonsensya ni Frost sa pag-ungkat ng mga naitulong nito sa kaniya noong highschool pa sila, malayong pumunta sa okasyon na ito.

Si Kaleb ang tipo ng taong hindi mahilig makihalubilo, unless business at formal parties 'yon at lalong hindi siya komportable na dumadalo sa ganitong events.

Engagement and wedding... it made him sick! Hindi niya kasi maintindihan ang mga kaibigan o kakilalang lumalagay sa tahimik na nasa gitna o rurok sa karera ng kanilang propesyon.

Magandang halimbawa itong si Frost. He was at his peak of being one of the highest grossing producer in the country. At sasayangin 'yon ng kaibigan dahil sa isang kasal? Para matali?

Napailing si Kaleb. Hindi pa siya siraulo para lumagay sa tahimik. He was enjoying his bachelor life. At marami pa siyang proyekto na nais isakatuparan. At isa na roon ang resort na mag-aangat lalo sa kaniyang career.

Nagmamasid at nanonood lang si Kaleb sa paligid. Paige was looking so radiant, kumikitang ang mga alahas na suot nito. And Frost was looking good wearing a black americana. Ang lahat ay masayang-masaya nang i-announce na ang petsa at lugar ng kasal ng dalawa. Nagkumpulan ang press sa unahan ng stage.

Oras na para tumakas. Inubos pa ni Kaleb ang iniinom nang mula sa likuran ay may tumawag sa pangalan niya.

"Kaleb! It's nice to see you here!"

Kunot noong lumingon siya at napatayo upang kinamayan si Mr. Frederic Gambles na ama ng kaibigang si Frost. May ari ito ng isa sa pinakamalaking TV station sa pilipinas ang channel 6 na isa ring bigating producer.

"Tito Frederic," Kinamayan ni Kaleb ang matandang lalaki. "Congratulation for you son's engagement."

Patango-tangong tinapik ni Frederic sa balikat niya si Kaleb. "Congratulation to you, hijo. Becoming one of the top real estate developer.." napailing ang matanda. "That's huge! Siguradong proud na proud sa'yo si Elias at Manolo. How are they? Narinig ko ang expansion ng Vegafria Medical Hospital."

Upon hearing his Father and grandfather's name, umahon ang kudlit ng disgustos sa dibdib niya. Ngunit tuwina'y madali iyong maitago ni Kaleb.

Isang kalkuladong ngiti ang pinasilay niya sa labi.

"They're good... Hands on si Daddy at Lolo sa expansion. May mga makabagong medical equipment ang ginagamit sa Vegafria Medical Hospital Los Palmas. Knowing Lolo and Daddy, they want nothing but the best for every patient."

Gustong palakpakan ni Kaleb ang sarili sa kasinungaling pinagsasabi niya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng interes na makibalita sa pag-aaring hospital ng ama at lolong si Elias at Manalo.

Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas nang huling makausap ni Kaleb ang abuelong si Manolo. Sa tuwing dadalaw kasi siya sa Los Palmas, wala itong ibang bukam-bibig kundi ang half brother niyang si Jacob. Ang paborito ng lahat. Ang tagapagmana ng kayamanan ng mga Vegafria.

Seducing The Exotic Island GirlWhere stories live. Discover now