Walang tayo

226 3 0
                                    

Bakit hinayaan kitang pumasok sa buhay ko? Alam mo bang isang pagkakamali yun para sa akin. Ako kasi yung tipong iiwas ako hangga’t maari pero bakit pagdating sayo ang hirap? Na kahit nasasaktan ako nagpapakatatag ako. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong gawin to. Ano naman yun para sayo diba?

“Bakit mo ginagawa to?” Tanong ni Ria sa akin.

Sumindi muna ako ng yosi. “Hindi ko rin alam.”

Totoo bang mahirap magbigay ng dahilan kung bakit mo mahal ang isang tao? Kasi para sa akin ‘oo’. Hindi ko kasi masabi sa kanila kung ano ba yung nakita ko sayo. Kasi alam kong hindi nila maiintindihan yun, tulad mo.

Maraming beses ko ng tinangkang sabihin sayo ang nararamdaman ko. Pero lagi kong nasasabi ‘babae nga pala ako.’ Kailangan kong umaktong Maria Clara kahit na modernong panahon na to.

Maria Clara? Sinong niloko ko? Sinisira ko nga buhay ko dahil sayo e. Yosi? Wala nga akong balak subukin yun, noon. Pero ngayon? Kaya kong umubos ng isang kaha sa dalawang araw lang.

Ewan ko kung bakit ko ginagawa yun. Ang alam ko nga ayaw mo ng may bisyo e. Kaso wala ka naman kasing alam. Pagmagkasama tayo dapat tungkol sayo lang iikot ang lahat. Eh ano ngayon sayo kung ginagawa ko tong ayaw mo? Nonsense lang naman lahat.

“Jane?” Tawag mo sa akin. Naku, nahuli mo na ko. Pinatay ko yung yosi na hawak ko at lumapit sayo.

“Luis.” Saad ko.

Yung itsura mo alam kong hindi maganda ang pinapahiwatig. Kabisado na kasi kita na dapat noon pa lang hindi ko na hinayaan pa.

“Anong ginagawa mo?” May galit sa tuno ng boses mo nung tinanong mo ko.

Hinila mo ko palayo sa mga kaibigan ko. Mukhang pati sila alam na ang mga susunod na mangyayari.

“Luis, sorry. Pinasubok ko lang naman si Jane e.” Dipensa ni Ria sa akin.

May lungkot sa mga mata ni Rias na nagsasabi ng ‘sorry’. Inaantay ko lang magsalita si Luis. Pero mukhang wala siyang gustong sabihin. Kaya ako na lang ang nagsalita at may sinabi.

“Hindi kasalanan ni Ria. Ako ang may gusto. Sa katunayan nga matagal ko ng ginagawa to e.” Halatang nagulat ka sa sinabi ko.

Nakita ko ang paglaki ng mga mata mo. Hinawakan ko si Ria na nagulat din sa sinabi ko. Tumingin ako sa kanya at nginitian para masiguradong ayos lang ako. Hinila mo ako ng tuluyan. Ramdam kong hindi ka masaya sa mga narinig mo mula sa akin.

Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagsasalita. Mukhang hindi mo pa rin makuha ang mga nangyayari ngayon. Kumuha ako ng isang stick ay sinindihan ito. Pero laking gulat ko kinuha mo ito bago ko pa malagay sa labi ko.

“Naglolokohan ba tayo dito?” At tinapakan mo ito para patayin. Sayang.

Ngayon nakita ko mismo na gusto mong bawiin ko lahat ng sinabi ko sayo kanina. Pero hindi ko kayang magsinungaling sayo at alam kong alam mo yun.

Sorry, mahal kasi kita (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon