Chapter 1 - Scent

2.8K 79 11
                                    

Tahimik akong nakakubli sa isang malaking punong kahoy. Camouflaging, pigil ang paghinga upang hindi makagawa ng ano mang ingay. Pinagmasdan ko ang napakasugal na gubat, pinakikinggan ang bawat kaluskos ng mga hayop pati ang huni ng mga kulisap at mga ibon. Pati ang mga lawiswis ng mga puno kapag tinatamaan ng malakas na hangin. Tumingala ako sa kalangitan at inabangan ang papabilog na buwan. Anytime soon ay makikita ko na ang aking mga target. Oo nasa isang mission ako. Kauna unahang mission bilang kasapi ng sisterhood of Marith.

Pinag igting ko pa ang aking pakiramdam at sinuyod ng tingin ang buong paligid. Napasandan ako sa puno ng masiguradong wala pang paparating sa lugar. I grabbed my dagger na nakalagay sa pa sa scabbard at mabusising pinagmasdan ang hilt nito. In its pommel ay naka engraved ang desinyo ng Dahlia, my code, ang pangalan na ibinigay nila sa akin. I unsheathed my dagger at pinagmasdan ang napakatulis at kumikinang nitong talim. Such a small weapon who could kill in just a single blow.

Bigla akong naalerto ng makarinig ng malakas na alulong. Nagsunod sunod ang mga alulong. Hindi lang isa, by distinguishing from their howls mga apat ang makakasagupa ko. Muli akong tumingala at nakita kong tirik na tirik na ang kabilugan ng buwan. Mukhang nakapagpalit na ng balat ang mga Balal. Ang mga balal, known to us as shape-shifters. Kapag kabilugan ng buwan, ito ang gabi upang sila ay maminsala sa kabayanan. A night for them to feed in humans flesh. As a member of the sisterhood, it is our duty to maintain the balance. We work in shadows at hindi alam ng mga tao na nag e-exist kami. Only few knows about us, and they are the ones to could directly hire our service, and of course with a great prize.

Mabilis akong tumalon sa ibabaw ng puno, I have to keep my distance from them. Kilala ang mga balal sa napakalakas nilang mga pang amoy. Leaping from one tree to another, hanggang nahulog ang isa sa aking patibong. Naapakan nito ang isang maliit na grapa na naglalaman ng essence of marith. Yes, it was my codes scent. Dahlia's scent, maliit lamang iyon pero sapat na para ma distract ang kanilang mga pang amoy, it will linger at hindi na nila ako maamoy.

" Humanda kayo may kalaban" Dinig kong utos ng isang Balal. Sa tuno ng boses nito ay siya ang pinuno sa kanilang apat. Naghiwa-hiwalay silang apat. Napapangisi ako dahil umaayon ang lahat sa aking mga plano.

Mabilis akong kumilos at unang sinundan ang pinakamaliit sa kanilang apat. Sa itsura nito ay mukhang ito ang pinakamahina sa kanilang apat. I can tell by just looking at his fur. Maiiksi pa lang ang kanyang mga balahibo at mukhang hindi pa sanay sa pakikipaglaban. Kinalkal nito ang masukal na damuhan gamit ang malalaki at matutulis nitong kuko. He was standing in his feet. Unlike other shape shifters, ang mga balal has retained their human stance, they have the head and a face of wolf, mabalahibo ang katawan at may mahabang buntot. Their color ranges from brown to black.

At hindi nito namamalayan na nakalambitin na ako sa isang puno sa kanyang uluhan. Watching him and aiming for his weak spot. I unsheathed my dagger, binuwal ko ang pagkakalambitin ng aking mga paa at malakas na sinipa ang sanga upang lumakas ang aking buwelo. Nakita kong tumingala ito ng makarinig ng kaluskos sa itaas, pero huli na ang lahat dahil naitarak ko na sa kanyang noo ang aking punyal.

Stunned, at mukhang nagulat habang sinasalop ang mga dugong umaagos mula sa kanyang ulo. I landed on his shoulders. I twisted my dagger bago ito tuluyang hinugot sa kanyang noo. Without making any sound ay kaagad ko itong ginilitan sa leeg. It was a quick death, halos magkasabay ang pag landing ko sa lupa sa pagbagsak ng katawan nito. Bahagya ko itong nilingon at bumalik ito sa anyong tao. Naked, he's still young. Kaya siguro ganun na lang ito kaagresibong pumatay ng tao.

Mabilis akong pumadausdos sa pinakamalapit na damuhan ng marinig kong may isa pang papalapit. Marahil ay narinig nito ang pagbagsak ng kasama. Mabilis ang pagtakbo nito. Hindi nga ako nagkamali, papunta ito sa kinaroroonan ng una kung napatay. Pumunta ako sa unahan, I need to take him down bago pa man ito makalapit sa napabagsak ko niyang kasama.

Tale Of Dara - The Unholy Ones (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon