Prologue

3.5K 86 11
                                    


"Kill or be killed!" Ito ang palaging sinasabi ni Sister Peony . It keeps on reverberating in my mind. Nasa gitna ako ng kagubatan ng Faesol ngayon. Tumatakbo, hinahabol, humahabol, at higit sa lahat pumapatay.

It's been five years ng mamulat ako sa ganitong buhay. Walang alaala, walang alam sa tunay kong pagkatao. Ang tanging alam ko lamang ay ang makipaglaban.

Today is our judgement day upang maging ganap na Marith. Nakakubli ako sa isang malaking puno at pinapakiramdaman ang iba ko pang kasama. Limang kasama ko na ang aking napatay at parang mga kunehong nahulog sa aking patibong at hila hila ko ang mga bangkay ng mga ito.

Kailangan kong mauna sa nakatakdang lugar. Mabilis akong tumalon sa ibabaw ng matatayog na puno at nilalambitin ang aking mga biktima.

Ako ang nauna sa lugar. Using my sharp senses ay pinakiramdaman kong muli ang gubat. I can sense movements even 5 kilometers away from my location. Buong lakas kong ibinato ang limang bangkay sa gitna to make sure na walang mga patibong na nakaabang sa akin. The bodies remained intact na ang ibig sabihin ay wala ngang panganib sa lugar.

"This is not good!" I sensed ten others na paparating. There should only 5 survivors na matitira. Mabilis akong naglagay ng mga traps sa paligid to secure my slot. At tahimik na naglambitin sa itaas ng puno with my daggers accessible for any possible attack.

"One!" I counted ng ang unang dumating ay tinamaan ng aking patibong. Her body rots ng naligo ito ng poison.

"Two!" The second got decapitated ng mahagip ito ng sharp strings.

"Three!" Another got split into two when she accidentally stepped into my slinger na may nakalagay na circular blade.

"Four!" With multiple sharp strings her body was chopped into pieces.

No not her. Nabahala ako ng ang paparating ay si Daisy. Kasunod nito si Aster na walang ibang gustong gawin kundi patayin ang nauna. I calculated her steps and in 10 seconds ay aabutan na nito si Daisy. In a speed of light ay kaagad akong tumalon mula sa pagkakalambitin. I landed on Daisy's head at kaagad kong sinipa sa batok ang babae dahilan para dumapa ito at hindi makagalaw. With my daggers ready for combat. I twisted my entire body creating a circular spin moving horizontally. Pinuntirya ko ang mga kamay ni Aster and cut her throat para hindi na magdusa ang babae. Halos magkasabay na bumagsak sa lupa ang katawan at ang humiwalay nitong mga kamay.

Daisy attempted to stab me pero kaagad ko itong nasangga at binigyan ng malakas ba suntok sa mukha.

"No need for that, lima na lang tayong natitira." Sambit ko. Kasunod na dumating sina Lily, Petunia and Zinnia.

"Tayo na lamang ba?" Nanginginig pang tanong ni Ella. I nodded at kaagad na naupo sa tabi ko ang apat na pagod na pagod.

"Shupp!" Thick smoke suddenly appeared infront of us.

"Magaling girls!" A familiar voice mula sa papahawang usok. It was Sister Peony na bigla na lang sumulpot sa gitna.

"Now isang bagay na lamang ang kailangan niyong lampasan at magiging ganap na kayong kasapi ng Sisterhood of Marith." She snapped her fingers at biglang nagsilabasan ang mahahabang kadena mula sa matatayog na puno. May mga hook ito sa dulo at kaagad na bumaon sa mga bangkay ng aking nasawing mga kasama. Iniangat nito ang mga bangkay na nakatiwarik. Malayang dumadaloy ang mga dugo mula sa kanilang mga sugat.

"Now drink!" Na ang tinutukoy nito ay ang mga dugong pumapatak mula sa itaas. Nagkatinginan kaming lima at nagpakita ng pagtutol ang iba.

"Drink or Die?" Sister Peony warned us. Kaagad kaming tumayo at tumingala. With our mouth wide open ay hinayaan naming pumatak ang dugo sa aming mga bibig. The saltiness at ang malansa nitong amoy ay naghahalo pero hindi na namin ito alintana.

" Magaling! Now form a circle in the center." Utos ni Sister Peony.

"Martia Kaslius Muertu Elius!" She enchanted. Sabay sabay kaming napahawak sa aming lalamunan. Tila may bumara dito. Kasunod noon ang mainit at biglang paghapdi ng aming mga kamay na parang iniikot.

"Ahhh!" Sigaw naming lima. Nanatili ang paghapdi hanggang sa nagliwanag ang aming mga kamay. One by one ay napalitan ng puting pakpak ang kamay ng aking mga kasama.

Hanggang ang mga kamay ko naman ang nagpalit ng anyo. They were staring at me with the shock on their faces. I spread my wings at laking gulat ko ng nakita ko ang napakaitim at napakalaki kong mga bagwis. Pati si Sister Peony ay mukhang hindi niya rin ito inasahan.

"Ladies! Ganap na kayong mga Marith." With gladness and worry na pagkakasabi ni Sister Peony. Marith? Is this really my destiny?

Tale Of Dara - The Unholy Ones (Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon