#2

25 2 0
                                    

Kinakabahan na kinikilig.. Yan ang eksaktong nararamdaman ni Kesha ngayon..

Kinakabahan dahil posibleng nagkaroon na ito ng ideya kung sino ang nagsusuksok ng sulat para rito..

Kinikilig dahil nakita na naman niya ito sa malapitan at nadampian ng kaunti ang mga kamay nito..

Hindi niya alam ang maaaring mangyari o susunod na mangyayari sakaling malaman nito ang mga pinag gaga gawa niya..

Nagpatuloy sya sa paglalakad at iwinawaksi ang mga negatibong bagay na pumapasok sa kanyang isipan..

Dumiretso sya sa Girl's Comfort Room at nagpalipas ng mga limang minuto rito at lumabas ng muli..

Pumunta na naman siya sa Locker Side at tinungo ang locker ni Red.. Iyon na naman ang kanyang ginawa.. Muli niyang isinuksok ang pulang sobre sa locker nito at nang magtagumpay ay agad agad umalis bago pa may maka kita sakanyang guro..

Dumiretso na rin siya sa klase at may ngiting nilisan ang Locker side..

***

Sa Hardin ng Eskwelahan napadpad si Red.. Dito siya dinala ng mga paa dahil narin siguro sa tahimik rito at hindi ito madalas puntahan ng mga estudyante dahil sa mga patay na bulaklak at hindi pa naaayos na mga upuan at palamuti sa hardin..

Atsaka malayo rin ito sa mga Classroom building kung tutuusin..

Habang nagmumuni muni naisip niya lang na.. Masyado na siyang naging pabaya.. Ayaw man niyang isipin pero ito ang posibleng mangyari..

Bahagya syang napasabunot sa mga buhok niya.. At pagka tanggal niya ng mga kamay doon ay may mga nalagas na buhok..

'Tsk, Hairfall'- Tanging nasabi ni Red sa sarili..

Napagpasyahan niyang pumunta sa Locker.. Nagba-bakasakaling may sulat na naman para sakanya..

Tumayo na siya at inumpisahan maglakad.. 'Mukhang uulan ah..'- Nasabi niya sa sarili nang makita ang makulimlim na kalangitan..Ipinagpatuloy niya ang paglakad at ipinagsa walang bahala ang sinusumpong na kalangitan.

Nang makarating sa locker ay agad niya itong binuksan at para sa ikalabing isa.. May sulat na naman siyang natanggap na nakapaloob sa isang pulang sobre..

Agad agad niya itong binasa..

Hi. May sulat na naman ako para saiyo.. Sana'y hindi ka pa nagsasawa.. Gusto ko sana na magkita tayo sa hardin mamya pagtapos ng klase.. Gusto ko na sana magpakilala sayo.. Nang personal.. Sana'y hindi mo masamain.Gusto ko lang umamin ng harapan.. Geh. Kita nalang tayo mamya.. Nagmamahal.. K

Sabi ng sulat.. at may hugis puso pa sa gilid ng letrang K..

Palagay ko K nagsisimula ang pangalan nito.. Nang mabasa niya ang Pinakahuli.. Naghinala na sya kung sino ang K na ito..

"Hindi kaya?.. No.. Pls.. Sana hindi.."-Yun ang sabi niya sa isip niya at muli na namang umusbong ang takot sa puso niya na kanina lang ay malapit nang maglaho..

**

Sa kabilang panig.. Kinakabahan naman na si Kesha at parang gugustuhin nalang umatras.. Kinse'y minutos nalang at tapos na ang klase..

Talagang kinakabahan na sya.. Ano kaya ang maaring mangyari pagtapos niyang umamin dito..

Sa kakaisip niya ng posibleng mangyari.. Hindi niya namalayan na tapos na pala ang kinse minutos niya..

"Okay class.. Class Dismissed"-Narinig niyang sabi ng kanilang guro.

Umusbong na naman ang kaba.. Pano kung hindi sya pansinin nito. Pano kung hindi sya siputin. Talagang kahiya hiya yun..

Teen Hearts ♥ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon