Chapter 2: Mika

491 2 0
                                    

Papasok na ko sa school ng makasalubong ko si Donna. Haggard na haggard sya. Namamaga ang mga mata nya. Grabe! Di pa ba sya nakakapagmove-one? Sapagay nung isang araw ko lang sya hiniwalayan.

Umiwas na ko ng tingin sa kanya at lumakad pero huminto ako nung magkatabi na kami.

"I'm sorry. I just don't deserve a girl like you. Move on." pagkatapos lumakad na ko.

Dumiretso ako sa room. Sumalubong agad sakin si Kaye, ang bitch number 1 ng klase.

"Hi, baby." malanding bati nya. "Lalo kang gumagwapo ah?"

Lumapit sya sakin. Nilagay nya yung dalawang kamay nya sa batok ko. Yung tingin nya may pang-aakit.

"I'm free tonight." bulong nya saka nya ko hinalikan. Torrid kiss.

"Hey! Kaye!" bigla syang hinatak ni Lorraine. "How dare you to kiss my pretty boy?"

Sila ang ultimate show girls ng room. Laging nagbabangayan at nag-aaway pero mag-best friends sila. Malakas lang talaga ang trip nilang dalawa.

"Justine, dito!" si Karl.

Pumunta ako sa pwesto nila Karl sa likod. Kaya pala tahimik ang mga tukmol. Nanonood ng porn.

"Kamusta na si Mika?" - Karl.

Ah na-meet ko na pala si Mika. Gaya ng sabi ni Karl. Chicks nga. Nung makita nya nga ko natulala sya eh. Haha.. di nya siguro expected na ganto ako kagwapo. Reklamo? Magsilayas kayo. Ako bida dito eh!

"Ok na." ako.

"Ok na?"

"Kami na."

Nakalimutan ko palang banggitin sa inyo yun. Nung nagmeet kami ni Mika. Kumain kami sa labas tapos namasyal kami sa MOA. Syempre, onting suyo, kuha na pero wala pang nangyayari samin.

"Pustahan mamaya di na yan virgin." si Paul.

"Bukas pa yan. Syempre, pakipot muna." si Marvin.

"Gago!" sigaw ko.

"Anong balak mo?"

"Bawal lalaki sa bahay nila kaya sya ang pupunta sa bahay."

Ang mga tukmol ngumiti. After ng klase nagkita kami ni Mika. Di ko muna sya dinala sa bahay. Pumunta muna kami sa park.

"Ang ganda pala dito." - Mika.

"Di ka pa nakakapunta dito?"

"Hindi. Di ko alam na public toh eh."

Natawa kami parehas. Sumandal sya sa upuan. Inakbayan ko sya bago nilapit sakin.

"Justine, mahal mo ba talaga ako?"

"Oo."

"Kahit nung kelan mo lang ako nakilala?"

I'm HER MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon