Chapter 3: The Hot PARTY GIRL

489 1 1
                                    

Nagfinal farewell na kami ni Mika. Ilang minuto din kaming magkayakap bago kami tuluyang naghiwalay. Last day nya na toh sa klase dito sa school. Asar naman! Ngayon ko na nga napag-isipan na magseryoso eh.

Pabalik na ko sa room namin ng makita ko ulit si Gail.May kasama na namang lalaki. Di pala yun lang ulit yung lalaking nakita ko. Di ko sigurado kung anong nakikita ko pero tama ba??? Binubugbog ni Gail yung lalaki.

Lumapit ako. Agad kong hinila si Gail palayo. Tumayo yung lalaki.

"Tarantado kang bitch ka!" susugod sya kay Gail ng suntukin ko sya. "Arg! Tarantado ka ha?! Sino ka para suntukin ako?! Boyfriend ka ba ng pokpok na yan?!" sigaw nung lalaki.

"Hoy! Mamang mamaw na amoy mamaw!" si Gail. "Umayos ka ng pananalita mo! Ako BITCH?! Tarantado kang amoy durian ka! Eh ikaw nga tong pinipilit akong halikan ka! BRAD! ITSURA MO NAMAN!!"

"Gail, tama na. Ikaw, lalaki. Lumayas ka na sa harap namin baka wala kang maiuwing muka." ako.

"Tandaan nyo tong dalawa. Magbabayad kayo! Lalo ka na, Gail." banta nya.

"Katakot!" sigaw ni Gail.

Umalis yung lalaki. Tiningnan ko si Gail.

"Bakit?" taray nya.

"Nagtanong ka pa? Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?"

"Justine, binastos nya ko. Alangan namang hayaan ko lang sya?"

"Pero pano kung patulan ka nya?"

"Patulan nya! Kaya ko naman sya eh."

"Ewan ko sayo!"

Iniwan ko na sya. Nakakaasar yung babaeng yun. Bumalik ako sa classroom. Potek! Wala ako sa mood makinig. Nakatingin lang ako sa prof namin para di mahalatang di nakikinig.

After ng klase nagyaya sila si Karl. Bar daw. Ang aga-aga BAR? Gago tong mga toh. Wala nga ko sa mood kaya di ako pumayag. Umuwi nalang ako.

***

"Oh, Justine. Kamusta na si Mika?" si kuya Jerald.

"Hulaan ko! WALA NA KAYO NOH?" si Jamie.

"Di kayo nakakatulong dalawa." dumiretso ako sa kwarto ko.

Nilapag ko ang gamit ko at nagpalit ng damit. At yung dalawa kong kapatid na tukmol, sinundan ako sa kwarto.

"Anong nangyari kuya?" - Jamie.

"Kwento mo." - Kuya.

"Tigilan mo ko, kuya. Parehas lang tayo at ikaw Jamie. Tumigil ka sa kakasawsaw samin ni kuya."

Humiga ako sa kama. Sumakit bigla ulo ko.

"Pero masama bang di makibalita sa mga playboy kong mga kuya?" umupo si Jamie sa tabi ko.

"Di maganda tingnan, Jamie." si kuya Jerald. "Kaya umalis ka na at may sasabihin pa ko kay Justine. ALIS!"

"HMP!"

Pabagsak na sinara ni Jamie yung pinto.

"Ano, tinamaan ka na kay Mika noh?" alam ni kuya nararamdaman ko.

"Di naman pero ambilis kasi."

"Nabitin ka ba?"

Bumungisngis kami parehas.

"May bago akong GF ngayon. This time, seryoso na ko." napaupo ako sa sinabi ni kuya.

"Sino?"

"Si Shiela. Makikilala mo din."

I'm HER MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon