Mémoire III

18 20 0
                                    

CLAUDINE

Iyon din ang dahilan kaya bumalik ako dito sa Pilipinas.

So kung hindi ka niya niloko, Claud, hindi ka rin uuwi?

Nakaka-miss din pala 'yong manlolokong 'yon. Marami kaming pinagsamahan at hindi gano'n kadali ang kalimutan siya.

Napapitlag ako sa gulat nang may kumalabog. Nakita ko si twinsis na nagtatakang nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napagtanto kaagad kung ano ang kumalabog. Hinampas niya pala ang wooden table sa living room gamit ang inside slipper niya na parang bakya dahil kahoy ang pang-ilalim nito.

Nagtataka ko siyang tiningnan at pairap niya naman akong sinagot.

"Hello? Kanina pa kita kinakausap tapos tulala ka pala."

"Sorry naman. May naalala lang."

"At talagang aabot ng isang oras?" Humalukipkip pa siya para effective ang ginagawang pagtatampo.

Ako naman ang napairap sa kanya. Minsan ay talagang nag-e-exaggerate siya. "Over ka."

"Over-over ka d'yan."

Natigilan kami nang tumunog ang doorbell kasabay ang sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Tao po!"

Nagkatinginan kami ni twinsis at nagkibit-balikat lang siya. Sinenyasan ko siya na buksan na ang pinto. Tumayo si twin at inayos muna ang damit niya bago lumabas.

Aba, gumagaya na sa'kin ah. May pahila-hila pa sa suot niyang dress. Nagdududa ko siyang pinagmasdan habang papalabas siya ng bahay. I smell something fishy sa kapatid kong 'to.










LIEZL

Padabog kong tinanggal ang lock ng gate. Istorbo naman 'to. Nag-uusap pa kami ng ate ko eh.

Inayos ko muna ang buhok ko at nanalamin pa sa hawak kong cellphone.

Pagbukas ko ng gate, bumungad sa'kin ang nakakaumay na mukha ng kaibigan ko.

"Zelpot! Nand'yan na ba ate mo?"

Alam kong nakangiwi ako ngayon habang nakatingin sa kabuuan niya. Bakit ba ako nagkaroon ng bestfriend na ganito?

Gulong-gulo pa ang buhok niya na at pawisan pa. Halatang mula sa laro. Mukhang nagmamadali siya para makapunta rito.

"Hindi ka man lang nagbihis?"

"Ha? Bakit?"

"Amoy pawis ka. Ew!" Ngumisi naman siya at mukhang may balak pa akong asarin. "Oo na! Nasa loob siya. Pasok," labas sa ilong na sabi ko saka tumalikod at pumasok na ulit sa loob ng bahay. Sumunod naman siya.

Ang galing ko talagang magmaang-maangan. Kunwari mabaho siya. Kunwari hindi ako napo-pogian sa kanya. Kunwari hindi ko siya crush.

Syempre kunwari lang din hindi ko napapansin na parang crush niya ang ate ko. Hindi naman masakit. Kunwari hindi.

Agad kong hinanap si twin sa sofang inupuan niya kanina kaso wala siya. Nasa'n na 'yon?

Lumingon ako sa gilid ko nang kalabitin ako ni Norie. Nagsisi ako kung bakit pa ako tumingin sa kanya. Ang lapit ng mukha ni Norie sa'kin. Mga ilang inch lang.

Napalunok ako. Teka, wala naman siguro siyang plano na halikan ako? Omg?!

Kumindat siya sa'kin kaya napapikit-pikit ako dahil ang pogi niya!

Itutuloy mo ba 'to, Noriepot?

Pumikit ako at ini-imagine na papalapit ang mukha niya sa'kin.

Memories in ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon