La Dernière Mémoire
(The Last Memory)
**
JAMES
Ilang araw din akong nakisama sa baliw at obsess saking si Lily. Lagi akong pinagbabantaan ng kapatid niya pero namanhid na yata ako. Hindi ko na maramdaman ang takot. Marahil ay wala na rin naman ang taong nakakapagpahina sa'kin.
My weakness is gone.
My Claudine is gone.
Lily's there with me every single time. She was so happy. I helped her with her meds pero gabi-gabi nilalamon ako ng lungkot. Hanggang sa wala na akong maramdaman.
I wasn't happy. I was not sad as well. The emptiness is killing me.
Binabalewala ko na rin si Lily. I don't actually care if masaktan siya o pagbantaan ako ng kapatid niya. Sasabihin ni Lily na may date kami ng ganitong oras pero 'di ako sumisipot. I'll get out to get drunk.
After a week, na-realize siguro niya ang pinaggagawa niya kaya one day, sinabihan niya akong pinapakawalan niya na ako. It's no use kasi wala na sa Paris ang babaeng mahal ko. I'm sure umuwi na siya sa Pinas since iba na ang nakatira sa dating room niya.
One sunny day, I went out to buy groceries. I met Sanya, Claudine's manager. She told me nag-take a break si Claud sa modelling career niya at nauna itong umuwi. She told me, Claud's a mess after we broke up. Natuto itong mag-inom. Buti na lang at lagi niya itong nasasamahan dahil madalasan daw itong pagsamantalahan.
Claudine decided to go home dahil gusto raw nitong makasama ang bunsong kapatid. Nahimasmasan ako sa mga sinabi ni Sanya at naisipan kong hanapin siyang muli kaya bumalik ako sa Pilipinas without even telling my dad.
Sanya told me na nag-enroll si Claud sa isang university. I was there pero tapos na pala ang shift niya. It happens na nakakita ako ng babae na biglang binato ang hawak niyang mga papel. Binalik ko 'yon sa kanya tapos may lalaking lumapit at biglang sinabi no'ng babae na boyfriend niya raw ako.
She's quite funny, to be honest. Tapos ay todo sorry siya sa'kin. Naaalala ko si Claudine sa kanya especially no'ng nakita kong todo itong nag-sorry sa foreigner na pinagkamalan niyang ako.
Liezl is a sweet and funny girl. I love every moment na magkasama kami. Lagi niya akong napapatawa but I can't feel any romantic feelings with her. She just looks like... a little sister to me.
Still, inalok ko siyang maging girlfriend ko. I was actually shocked dahil agad niya akong sinagot. Unlike Claudine, who gave me a week bago ako sinagot.
Pero isang araw, umamin din ako. 'Di nakaya ng konsensya ko na saktan ng patuloy si Liezl lalo na ng malaman kong kapatid niya si Claudine so we decided to break up. She's not affected kaya nalaman kong mababaw lang ang feelings niya for me.
Napakasama kong tao. Karma ko na yata ito. I was Paris's playboy before until I met Claudine Castro.
Napabuntong-hininga ako ng ilang beses. Pakiramdam ko ay masusunog na ang balat ko sa init dito sa seaside. Pinagtitinginan din ako ng kapwa ko Pilipino. Akala siguro nila, naliligaw ang isang foreigner.
The view is not as beautiful as Paris but I feel much better here in my home country. Although, pakiramdam ko ay hindi ako malayang gawin ang kahit anong gusto ko dahil sa kultura at mapagmatyag na mata ng mga tao rito.
Isa pa, naiinggit ako sa lovers na nandito.
What if hindi ko siya iniwan? Masaya pa siguro kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Memories in Paris
Short Story"When you're madly in love, you are willing to accept your partner's past but what if you were his past, would there be a second chance?" Nang kunin si Claudine bilang modelo sa isang kompanya sa Paris, hindi niya akalaing doon magsisimula ang matin...