1

27 1 0
                                    


Pagmulat ko ng mata , puting dingding ang una kong nakita. Pinagmasdan ko ang paligid at napag tanto ko na nasa hospital ako.

Bigla kong naalala ang nangyaring aksidente.

''Devina ! thank god nagising ka na.'' natatarantang sabi ni tita Lucy na kakapasok palang, may pinindot sa may banda.

''Nurse! gising na ang pamangkin ko, come quickly!.''

''Oh my, do you feel anything dev?'' sabi ni tita sabay hawak sa kamay ko.

''Tita, si mama at papa po ?'' tanong ko sa medyo paos na tinig .

Gusto ko nang makita si mama at papa at masiguradong okay lang sila .

Hinihintay kong sumagot si tita pero walang namutawi na salita galing sakanya. Kinabahan ako lalo na nang makita ko ang reaction sa kanyang mukha.

''Dev...'' saad ni tita na may lungkot at awa sakanyang boses.

''Tita, s-si mama at papa po nasan?'' hindi ko maitago ang kaba sa boses ko , pero hindi ko dapat ito nararamdaman. Alam ko maayos ang lagay nila.

''Devina, mamaya na natin to pagusapan pag okay na ang pakiramdam mo. Nagugutom ka naba?.'' pag iiba ni tita sa usapan pero hindi makatingin sakin.

''Gusto ko lang malaman kung maayos ba ang lagay nila.Gusto ko lang silang makita tita , please''

Huminga nang malalim si tita lucy at humarap sakin .

''D-devi, wala na ang m-mama at papa mo.'' napaiyak na ng tuluyan si tita habang ako naman ay parang hindi maka kilos sa narinig.

Hindi, mali lang siguro ang pagkaka dinig ko . Hindi... hindi

''Anong sabi mo tita ?.''

''p-patay na ang mama at papa mo devi, hindi na sila nakaabot ng buhay nang dinala kayo dito sa hospital.''

Lumandas ang masaganang luha sa mga mata ko..

''Hindi ! hindi yan totoo , bawiin mo ang sinabi mo tita, please.  ''

''Im sorry devi, but thats the truth. Mag dadalawang buwan ng nakalibing ang mga magulang mo. Youre in comma for almost two months Devi.''

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Hindi ko kayang tanggapin pano nila ako iniwan ng ganito lang ....

Pinilit kong tumayo at pinag tatanggal ang mga nakasabit sa katawan ko,kahit hinang hina pa ako pinilit kong tumayo pero pinipigilan ako ng mga nurse .

Hanggang sa may naramdaman akong tinurok nila sakin. Unti unting dumilim ang paligid at patuloy lang sa pag agos ang aking mga luha......

A Walk to LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon