Prologue

35 2 0
                                    


''Be strong anak okay ?'' sabi ni mama sakin habang naka ngiti. Hinawakan nya ang kamay ni papa at humilig dito.

''Syempre naman ma noh! strong kaya tong anak nyo''

''Basta baby always remember that we love you so much'' tumingin ako kay papa pagka sabi nya non at may naaninag akong lungkot sa kanyang mga mata.

''I love you too Ma and Pa, pero teka lang para naman kayong namamaalam nyan. Magbabakasyon ba kayo?'' napa tawa pa ako habang sinasabi yun.

Pero napawi iyon ng pag tingin ko sa kanila ay papalayo ng papalayo na sila sakin.

Sinundan ko sila at pilit inaaninag, tumatakbo nako pero hindi ko na sila mahagilap.

''Ma ! Pa! '' paulit ulit kong sigaw habang tumatakbo.

Napahinto ako ng makita ko sila sa loob ng sasakyan namin. Nagulat ako ng hindi lang pala sila ang nasa loob nakita ko rin ang sarili ko na syang nag mamaneho. Parang may pinag aawayan .

Pinagmasdan ko lang ang sinasakyan nila na papalayo.

pero.....

Napako ako sa kinatatayuan ko ng nabangga ang sinasakyan nila sa isang van ...t

''NO!!'' sigaw ko habang umiiyak. 

A Walk to LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon