hay.. konting minuto nalang . matatapos na ang bakasyong pinagtiisan ko .
ngunit pagkatapos nitong boring na bakasyon may mas masama pa palang parating sakin
habang unti unti kong inaayos ang mga papel at mga ballpen aking iniisip . Anu ba ang pwedengmangyare bukas , magiging masaya ba ako bukas?
hhhmmm alam ko naman kung anung sagot sa tanung ko. siguradong hindi
ako na sanay lang mapag isa. at muling sasabak sa digmaang hindi ko kayang pagtagumpayan
hindi ko kayang labanan o kaya kahit sabayan
ayoko talagang pumasok sa eskwela . anu ba kaseng meron sa pag pasok sa eskwela kung wala ka namang matutunan , makikipag plastikan kalang sa mga taong nakakasalamuha mo
saka anung gagawin ko sa loob ng paaralan
matutulog? , uubusin ang oras ko sa pag upo ? kung nagsasalita lang sana ang mga upuan
sasabihin siguro nun na "HOY PRE USO TUMAYO. NABUBUTAS NAKO"
pero wala eh. ganun ako anung gagawin ko
sayang lang ang araw araw na pag byahe pa pasok sa eskwela kung uupo kalang at matutulog
sayang lang ang effort ng mga magulang ko.
tatamarin lang naman ako sa loob ng impyerong paaralan nayan
"Hoy John paul Bat gising kapa? matulog kana maaga kapa bukas " sigaw ni lola
"Opo. matutulog na . asikasuhin ko lang tong mga gamit ko ..tutulog nadin po ako mamaya . matulog na po kayo lola" magalang na sagot ko
etong lola ko. diko alam kung excited ba o talagang excited lang kase napapayag nanaman nila akong pumasok sa paaralan
nakakayamot na .....
buti pa matulog nako.
bukas mag sisimula na ang digmaang hindi ko kelan man ginustong labanan
